Kailangan ko ng tulong niyo.

31 05 2007

Ayt.

May bagong page ako. Subukan niyo yung test. Inayos ko na yun. Promise.

Maugong pa rin ang balitang pag-di-disband ng Rivermaya. Kung di niyo pa alam click niyo to.

Namomroblema ako ngayon dito sa blog ko. Ka-bago-bago pa lang, inuulan na ng sandamakmak na suliranin.

Unang problema, ang pinakamabigat sa lahat, si Tim B. Ang. Ayon sa aking reliable source, may isang mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas na nagngangalang Tim B. Ang. Hindi ko naman inakala na may nag-e-exist na ganung pangalan. Kung totoo man yun, babaguhin ko talaga ang pangalan ko para na rin sa kapakanan ni Tim B. Ang, the “original.”

Kung meron mang tunay na Tim B. Ang, gusto ko siyang makilala. Pagkatapos nun, magbabago na ako ng pangalan. Ano naman kaya ang puwedeng ipalit? Help me.





Rico Blanco to Rivermaya: Bye Bye Na…

28 05 2007

liver.jpg 

Wala namang pamamaalam na hindi malungkot.

Ayon sa mga nabasa ko kamakailan lamang, ang Rivermaya, ang tinaguriang Banda ng Bayan, ay disbanded na.

Nakakalungkot, di ba? Inaamin kong ako ay isang fanatic ng bandang ito. Nakapanood ako ng gig nila noong March 31, 2006. Yun na pala ang kahuli-huli kong makikita na kumpleto sila. Na-meet ko pa silang apat ng face-to-face at hinatak ko pa nga si Japs Sergio, ang basista nila. Nakipag-apiran pa ko kay Rico Blanco.

Ginanap ang last gig nila sa Metro Bar noong May 4 kasama ang mga mega bands na Sandwich at Pupil. Isang madamdaming speech ang binitawan ni Rico sa set ng banda. Memorable daw ang lugar na ito kung saan dito ang banda unang nag-perform noong 1993 as front act ng Eraserheads, na disbanded na rin. Ironically, nandoon sa Metro Bar sina Raimund Marasigan at Ely Buendia, miyembro ng Eraserheads.

Habang tinutugtog nila ang Umaaraw, Umuulan, sumigaw diumano si Rico ng “Isang huling malupit.” Tapos sumigaw din si Japs Sergio ng “Lakasan niyo pa, Huli na ‘to.”

Ano nga ba ang dahilan?

rico_mefer.jpg

Rico Blanco 

Si Rico Blanco. Mag-so-solo na raw kasi siya, ayon sa mga chika. At kikilalanin na siyang Blanco. Matagal na ang mga bali-balitang mag-so-solo siya. And this time, mukhang mangyayari na to.

Medyo di ko pa rin ma-absorb ang shocking news na ‘to. Isa ng institusyon ang banda. Marami silang nagawang awit na nagpatingkad ng buhay nating mga Pilipino.

Annuman ang manyari, umaraw o umulan, maputol man ang daliri mo sa umiikot na elesi, masaksak ka man ng balisong at nagtataas ka man ng isang bandila, saludo pa rin ako sa Rivermaya para sa kontribusyon nila sa bansa natin sa pamamagitan g kanilang musika.

Kung gusto niyo ng kumpletong scoop, bumili na lang kayo ng MYX Magazine June issue. Sila yata yung cover ng issue. Nandoon din ang “huling” interview sa kanila.

normal_rivermaya.jpg

Rivermaya: One Last Look





For validation purposes

27 05 2007

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa splashknot.wordpress.com. Tignan niyo kung anong nangyari. Hindi ko talaga maintindihan.

Anyway, kamakailan lamang iprinoklama ko na ang aking sarili bilang kaisa-isang namecologist sa lupalop. At sa mga di makapaniwala, gumawa ako ng post na susog sa aking prinsipyo.

______________________________________________________________

Ayon sa aking nabasa kamakailan,  “Names are like all poetry, they are untranslatable.”  Ang pangalan natin ang nagbibigay ng identity sa atin, sa mga birth cert. at sa lapida natin.

Kung Rose ba ang pangalan mo, sweet-tempered ka ba? Eh kung Makisig? Precious? Orion? Robin Hood? Pisces? Maroon? Michael Jordan? Gandhi? Jesus?

Ang mga airmath at airpot natin kung magbigay ng pangalan, kakaiba. Parang ngarag. Binabase nila ang mga pangalan sa kung ano ang nais nilang destiny para sa mga kids nila. Ayon sa mga nasagap ko, maraming pangalan ng mga bata ang mala-out of this world. Ilan sa mga uniques ay SawyerHeaven, Laguna, Serenity. Para bang mga pangalan ng establishments ang mga nabanggit. Meron ding Uniques na galing sa mga common names pero iniba ang izpelling para — unique, papansin gaya ng Jazon (Jason), Katharine (Katherine), Nevaeh (Heaven na baligtad). Lupit noh?

Mahirap daw talagang mag-pangalan ng bata. Ito kasi ang isang bagay na dadalhin niya hanggang kamatayan. Kaya nga kung mapapansin ninyo, bihira ka na lang makakita ng pangalan ng bata tulad ng John, Michael, Mary at Anne sa mga baby nursery sa hospital. Kung meron man, sigurado akong may second name ito. e.g. John Kenneth, Mary Grace.

Sa ngayon, may nakilala akong mag-asawa kung saan ang pangalan ng anak nila ay Charlie Harris Uro Glen S****** (surname yung S******). Uber haba naman nun. Hindi kasya sa sa pad paper ng grade one.  Sabi nung airpot, CHUGS ang magiging palayaw niya. Obvious ba? Initials. Astig, di ba?

Marami talaga ang namomroblema sa pagpili ng pangalan. Kaya nga nandito lang ako. Ang nag-iisang namecologist, si Tim B. Ang.

Try niyo yung friend test ko. Nahihirapan ang mga nag-try. Dumugo ang ilong. Pero subukan niyo. Sige na. Kahit hindi kita kilala. Sagot lang.

Testriffic Quiz Your Friends





Close ba tayo?

25 05 2007

Mga katoto! Subukan niyo ang nilikha kong test kung kilala niyo nga ko. Kahit first time niyo pa lang dumaan sa blog ko, subukan niyo. Sige na.

Testriffic Quiz Your Friends
Create your own Friend Quiz here





It’s raining inside, aren’t they?

25 05 2007

Yeah! Ito na po ang bagong blog ni Tim Ang, matapos magloko ang blog kong splashknot.wordpress.com. Huwag niyo ng bisitahin pa kung ayaw niyong makakita ng mga cuneiform at alibata. May ginawa kasi akong kababalaghan kaya naging ganun ang aking mumunting blog.

Sayang nga, hindi ko ma-import yung mga posts ko galing sa splashknot. Hinayupak kasi ako kaya yun.

The rest is history, at ngayon lumipat na ako sa bulaboop.wordpress.com. Sana bisitahn nyo pa rin ako. Huwag niyo kong bibitawan. Kapit lang kay tim ang.





Kamusta mundo!

24 05 2007

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

Siyempre hindi ko to i-de-delete. Edit ko na lang.