The Chosen Juan

Ituloy natin ang substantial

Ipinaskil ni: tim ang noong: Lunes Setyembre 3, 2007

Matapos ko kayong paglawayin, itutuloy ko na ang walong bagay na malamang sa malamang ay hindi niyo pa alam.

Ang first part ay nasa baba. Ayun oh sa baba (sabay nguso)

5. HINDI KO ALAM ANG PRAYER AFTER MEALS. Prayer before meals lang ang alam ko. Malaking kasalanan ‘to.

6. RIGHT-HANDED DAW AKO. Sabi ni Airmath, pinanganak daw akong kananete. Kaso noong nagsimula na akong matutong magsulat, ginamit ko na ang kaliwa kasi may hawak na pagkain ang kanan kong kamay.

7. MARUNONG AKONG MAG-PIANO. Nag-piano lessons ako dati nung six years old pa ako. Kaso ngayon, medyo matigas na ang daliri ko para mag-piano.

8. MAHIRAP AKONG PATAWANIN. As in. Sobra. Kapag nakita niyo akong tumawa, malamang sa malamang, kaplastikan yun.

Malapit ko ng i-post ang second installment ng Friendster pic pics. Naayos ko na kasi ang sira sa computer. At more good news, may part three at four pa ito.

Bilang pahapyaw, narito ang ilan sa aking mga nakalap.

shades.jpg

Kamusta naman ang shades mo?

 solis.jpg

Halika dito sa kama at maglaro tayo.

taba.jpg

Eh pano kung siya ang tumabi sayo sa kama. Siguradong madadaganan ka.

tulog.jpg

Matutulog na lang ako.

Preview lang yan mga katoto. Maghintay na lang kayo.

 

19 Tugon to "Ituloy natin ang substantial"

8:48am, Matteo Ricci Study Hall, AdMU

Airmath? ang cute.. :D wala lang.

ayos… mahilig ka talaga sa patikim ;)

hinati pa e. pero walang katapat ung kuko dental floss. hehe ;)

Joanne- ang sosyal mo naman.

jojie- tikim lang.

badoodles- ang dugyot ko pala. :-D

binitin mo naman kami. wahaha.
pero tatlo palang yan.
boom na.

Kimberly Wy- hintay ka lang.

9:07pm, bahay

Huh? Anong sosyal dun?

Joanne- Nag-ba-bloghop ka sa loob ng Ateneo kaninang umaga.

ahh yun.. ang aga ko kasi eh tapos wala akong magawa (may dapat gawin pero tinatamad :D ) saka halos lahat naman dun ginagawa ‘yun eh, pero di pa naman ganun kakapal ang mukha ko para dun na mismo gumawa ng entry, although alam kong darating din ako dun.. hehe.. siyempre sino ba namang hindi maeengganyong gawin ‘yun eh bukod sa libreng internet, super lakas ng aircon pa so masarap talagang magbrowse ng kahit anong hindi related sa studies.

Joanne- ang sarap naman ng buhay diyan sa Mateo ekek study hall na yan.

ganun? hahaha. kakatawa naman yung mga pix… ako din di ko alam yung prayer after meals…

dEe- bakit hindi mo alam?

9:28 am, bahay, Pasig

Wah. Kananete din daw ako pero dahil nga sa ewan-ko-ang-dahilan e naging kaliwete ako. Mabuhay ang mga kaliwete. Naeenjoy ko na ngayon ang silyong pangkaliwete sa school.
At sino namang nagsabi sa’yong kasalanang hindi malaman ang prayer after meal. Nako.
Kelan ka kaya tatawa. Tumawa ka naman nung nandun ako kina Denib ha! Tumawa ka non. Wak ka makolet!
Yan na naman yang friendster pics na yan. Dun mo ko hindi sinasama. Nako. Nako talaga.

Paurong- Bumalik ka nan naman sa Paurong. Nasaan si Gusot? Plantsado na ba? Ngayon ko lang nalaman na kaliwete ka.

Hala. hindi naman pseudonym ang gusot e. blog title yun ah. hahahah! kaliwete nga sabi ako.

Padre Salvi- hindi ko kilala.

paurong- fine.

haha nakalimutan ko na rin ang prayer after meals. pinilit din ako ng pamilya ko na mag piano lessons, haha! walang nangyari. hayuf yung unang pix!

bonniefazzyoo- mas marami pang kahayufan sa susunod.

Mag-iwan ng Tugon