Kaming Bak

31 10 2007

Babalik din ako. Sabi ko sa inyo.

May inasikaso lang talaga ako. At tapos na nga yun.

Bilang selebrasyon sa aking pagbabalik, ginawa ko ang pinasasagutan sa akin ni bato.pik

A - Age: Cube root ng 4096 (Uy, napaisip ka yata)

B - Band Listening To Right Now: Coldplay

C - Career: Concealed

D - Drink or Smoke: Wala

E - Easiest Friend To Talk To: Next question, please.

G - Gummy Bears or Gummy Worms: Wala. Para sa akin, walang kwenta ang mga gummy foods

H - Have a Boyfriend: Boyfriend?

I - In love: Always. (Ulol lang yan. Para kiligan kayo.)

J- Junk Food You Like: Wala. I junk junk foods

K - Kids: Gumagawa pa lang.

L - Longest Ride Ever: MRT (longest, di ba?) Haha.

N - Names For Your Future Kids: Andy, Christine

O - One Wish You Have Now: Concealed

P - Phobias: Hindi ko alam. Promise.

Q - Favorite Quote: You care, We Care, Kidney Care (Ahahaha!)

R - Reasons To Smile: Pangit kasi ako.

S - Sleeping Time: 11 pm

T - Time You Woke Up: 6:30 am. Automatic yan, babangon ako.

U - Unknown Fact About You: Bakit ko sasabihin?

V - Vegetable You Hate: Sigarilyas!

W - Worst Habit: Nagbubula ng laway.

X - X-rays You’ve Had: Sa chest

Y - Yummy Foods: Ube.

Z - Zodiac Sign: Sagittarius (Lucky color: pusya, Lucky number: 11)





I Shall Return

30 10 2007

Babalik ako. Promise.

Saksakin niyo ko kung hindi.





2007 Barangay Elections: Only in the Philippines

19 10 2007

Ngayong araw ang official start ang kampanya para sa Barangay Elections. Kaninang 11:59 PM natapos ang filing of candidacies.

Cliche as it may sound (cliche na rin ‘to), napakasayang event ang elections sa atin.

Teka, may barangay elections pa sa ibang bansa gaya ng Tuvalu, Aruba, Ivory Coast at sa ka-level nating United States? Kung meron man, hindi ito kasing-ingay sa atin. Siguro sa kanila, gumagamit pa sila ng umalohokan (announcer sa katutubong Pilipino) para mangampaya. Walang mga banners, streamers, stickers, and other ers.

Kumbaga sa technology, napaka-advanced na natin sa elections. Kaninang10:00 ng gabi, lumabas ako. Naghahanap ako ng mga taong may mga hawak na pandikit at papel, tarpaulin, banner. Aba, walang hiya. Bawat poste sa amin ay mayroong nakapuwesto na dalawang lalaki. Isa ang may hawak ng: Vote!!! Pwet Vera. Isa naman ang may hawak ng Tupperware na may laman ng pandikit na gawa sa gawgaw. Aba’y akalain mo nga namang hinihintay nila talaga ang 12:00 am. Pero, sa kabilang poste, nakadikit na nga ang poster. Nainip na kasi.

Speaking of posters, meron ng template ng mga posters ng kandidato sa Pilipinas. Panis, di ba?

Heto siya.

poster.JPG

Kung mapapansin niyo, yung vote laging naka-diagonal tapos tatlo lagi ang exclamation point.

Tapos buong lineup nila ilalagay. Kung mapapansin niyo, merong mga nicknames na pang-attract ng botante gaya ng “baby” Usually, mga matatanda (as in) ang gumagamit ng nickname na “baby”

Nakalagay naman sa baba ang walang kamatayang linya na:

“Vote straight!!!

Vote (name ng partido)!!!

Kung mapapansin niyo, kulang ang isang exclamation point sa mga posters, kaya ginagawa nilang tatlo.

Sa babang-baba ng “election poster made only in, by, for the Philippines”, nakalagay ang donated by friends of (name ng partido) or donated by friends of (name ng candidate).

Actually, before campaign period, marami na ang nagpaparamdam na multo na mga kandidato. Halimbawa, namimigay sila ng t-shirt tapos nakalagay ang lineup nila pero siyempre di pa nakalagay ang Vote!!!

Actually, may pumunta sa aming isang partido sa SK. Sabi nila. Itago natin ang partido sa pangalang Chekwa.

Chekwa: Magandang umaga po! Meron po ba sa inyo ang hindi nagpapabakuna sa tigdas?

Tim Ang: (kamot sa ilong) Ay oo. Yung bunso namin. Babakunahan niyo ba?

Chekwa: Ganun na nga sana. Ok lang ba?

Tim Ang: (Nag-isip) Sino yung magbabakuna?

Chekwa: Heto po si Louie. 1st year Nursing student po siya sa Taint Looks.

Tim Ang: (Nagpalusot) Ay, Nursing din ako. Third year sa University of Pikachu- Manila.

Chekwa: Ay sige, alis na kami.

Linsiyak naman. Nursing student pa lang, nagbabakuna na? Take note: Freshmen siya. Malamang sa malamang, wala pang alam masyado yan, di ba? Linsiyak talaga. Buti na lang, di ako nauto.

*PS: Ganda ng drawing ko. Yung poster sa taas. Kamukha nung sa Rugrats. Kamukha rin nung sa 7 Up.





Al Salle

18 10 2007

Para sa mga hindi pa makapag-move on sa UAAP Cheerdance Competition.

al-salle.jpg

 





Laspag Na

16 10 2007

Oo. Laspag na nga ang katawan ko. Sobrang pagod ako kahit sem break namin sa Unibersidad ng Pikachu. May pinagkakaabalahan kasi ako na talagang uber demanding.

Kahit laspag na ang katawan ko, di pa rin nalalaspag ang mga taba ko sa katawan.

Nakakainis na nga. Lakad na nga ako ng lakad, hindi pa rin natatapyas ang mga taba ko.

Kapag tinatanong ako noong bata ako kung bakit ako mataba tapos sabay pisil sa malinis kong mukha at malambot na braso, nasasaktan at natatawa ako.

Malamang ngayon, wala ng pumipisil sa pisngi at braso ko. Pero pag tinatanong ako kung bakit ang taba ko, sinasabi ko:

Kasi sabi ng doctor, mabagal daw ang metabolism ng katawan ko, kaya naiipon ang taba sa katawan ko.

Alam kong isang malaking palusot yun. Pero yun talaga ang sinasabi ko. Napapanganga na lang sila sa sagot. Wala kasi silang ipambabara sa metabolism.





Friendster Pics Picks 4: Awards Night

13 10 2007

Sa wakas, naiposte ko na rin ang fourth installment ng dramang pinamagatang Friendster Pics Picks.

Mamimigay ako ngayon ng mga awards.

Para sa mga hindi nasubaybayan ang unang tatlong installment, just go there.

Friendster Pics Picks: Ikaw at Ako Laban Sa Mundo

Friendster Pics Picks: Cocoy Mondragon Concha Massacre Story

Friendster Pics Picks: Dudoy, Godoy at Budoy

______________________________________________

Time Magazine’s Man of the Year goes to:

adik.jpg

Para sa hindi matatawarang katatawanan na ibinigay niya sa atin.

Public Enemy No. 1 award goes to:

abusayyaf.jpg

May patong na $ 500, 000 sa kanyang ulo. Kapag nakita, pakisabi sa awtoridad.

The Theory of Evolution award. Ito naman ang proweba ko sa theory of evolution ng mga tao.

evolution.jpg

My cheeks are so red award goes to

rosycheeks.jpg

The Head-Spinning award goes to:

ulo.jpg

The Kunyari Makati Ang Bibig award goes to:

webcam.jpg

Pa-cute sa webcam award goes to: It’s a tie!

webcam1.jpgpakyut.jpg

Pido Dida: Version 2007 award goes to:

supertwins.jpg

Just look at me, don’t look around award goes to:

edmar.jpg

United Colors of Shoes and Fingers award goes to:

daliripaa.jpg

Okey Ka Kokey award goes to:

andre.jpg

The Electric Fan Effect award goes to:

elecrticfan3.jpg