Iimbak

Archive for Hulyo, 2008

Coup B’Etat

Martes Hulyo 29, 2008 tim ang 4 mga puna

Matagal akong nawala. Pumunta kasi ako sa probinsiya. Hindi ako maka-update, hindi dahil sa walang Internet connection, kundi ang mahal. Pumapatak ng bonggang-bongga na kwarenta pesos ang kada oras ang pagrerenta sa computer shop. Kaya kinalimutan ko muna ang blog ko pansamantala.

Heto ang aking sandamukal na dahilan ng aking pagkawala. Mamili na lang kayo.

Ala-estudyante: Field trip po.

Ala-pulis: May surveillance kami dun.

Ala-sundalo: May giyera doon.

Ala-bumbero: May sunog doon.

Ala-businessman: May business trip ako.

Ala-laos na musician: Naghahanap ako ng gig.

Ala-laos na artista: May piyesta dito at special guest ako.

Ala-emo: Hinahanap ko ang sarili ko.

Categories: Satsatan Mga Marka:,

Vwisit na Vwisit sa Bisitors

Martes Hulyo 22, 2008 tim ang 10 mga puna

Nakakabwisit yung bisita/kamag-anak namin. Utang igit.

Lahat na ng mura na alam mo, lalabas sa bunganga mo. Kahit yung foreign mura, lalabas kahit wala kang alam kundi uno, dos, tres.

Sabihin ba namang ang seksi niya (hindi siya nagbibiro sa tono niya). Eh tucha amador naman, halos kasing lapad na siya ng drum ng kapitbahay namin. At ang braso, pwede ko nang higaan. Kahit magsama pa ako ng isang babaeng puta.

Nakalimutan ko palang sabihin na may kasama pala siya. Yung siyota. Halos ipagmalaki niya na matangkad, matangos ang ilong at siyempre, gwapo.

Utang igit, akala ko kung sinong kargador yung kasama niya. Maikli ang leeg tapos parang nilamon ng nakaraan yung ilong niya. Yung tipong sidekick ng isang sidekick.

Hindi ko naman pinoproblema ang hitsura. Kahit na perpekto ang tingin niyo sa akin, may flaws din ako. Ang sa akin lang, wag kang magyayabang kung wala ka namang ipagyayabang. Utang na loob.

Hindi pa tapos natatapos diyan ang kuwento. Nakinood pa yung lalaki ng PBA sa amin. Sira pa naman yung isang tv namin, kaya no choice kung hindi ilipat namin sa PBA yung tv. Eh, nanoood kayo. Alam ng nanay ko, na giyera ang kahihitnan nito kapag inagaw sa akin ang tv.

Pero, nagtimpi ako. Ayon kasi sa kasulatan, pagbigyan mo na ang mga taong ipinagkait, lalo na yung mga galing sa puwet.

Inis na inis na talaga ako. Malapit na akong makasapak.

Categories: Satsatan Mga Marka:, , , , ,

Hinog

Lunes Hulyo 21, 2008 tim ang 2 mga puna

Masyado nang hinog ang mga litrato na nakalap ko sa 7th edition ng Friendster pics picks. Pero, tinatamad naman ako. Kaya, patitikimin ko muna kayo.

Angas!

Dude, pare dude.

Kung medyo nakulangan kayo, unitng hintay lang. Lalabas din yun. Sa ngayon, maaari niyo namang tignan ang aking collection (ulit).

Part I: Stairway to Ever (Gotesco)

Part II: Love Story in Cayetano Curimao College (Cayetano Curimao College Scandal)

Part III: My Sassy Girl (Ang siyota kong pokpok)

Part IV: Jewel in the Palace (Malacañang, sanglaan na!)

Part V: Hada Kimi

Part VI: Which You He?

Categories: Friendster Mga Marka:

Watching Miss Universe

Lunes Hulyo 14, 2008 tim ang 5 mga puna

Makakanood ako ng Miss Universe ngayon after many years. Actually, habang tinatayp ko ‘to, nagsisimula na ang Miss Universe sa ABS-CBN. Nagsasalita na nga yung taga-Spice Girls tsaka yung motorcycle entrance ni Jerry Springer.

Tatapusin ko na ang post sa pagpili ng top five contestants. Random ang pagpili, wala talagang basehan. Kung ano ang pumasok sa utak ko, yun na yun.

Heto na ang aking top five, as usual, not in particular order (maniwala kayo).

Australia

Venezuela

Bolivia

Japan

Canada

Dear Friend

Biyernes Hulyo 11, 2008 tim ang 5 mga puna

Ngayon lang ako nagbasa ng mga ganitong message sa inbox ng e-mail ko. Hayaan niyo aketch na i-copy paste itetchiwabells.

Dear Friend,

I am MR.CHRISTOPHER HOOK the general auditor of  BBVA (Banco Bilbao Vizcaya Argentaria) .There is this floating funds which is to the tune of Nineteen Million Four Hundred Thousand Dollars ($19,400,000.00) Which as been floating in this A/C nº 0182500587410007 since 2000 after the death of the true owner of the funds Late Mr. MORRIS THOMPSON, an American who was a private business man unfortunately lost his life in the plane crash of Alaska Airlines Flight 261 which crashed on January 31st 2000, including his wife and only daughter. Most unfortunate though his death was a sad loos to most of us here in the bank as he is well know and liked as a result of his successful and consistent banking operation with us.i want to tranfered the money into ur account.Email me through my private email:(linkchristhook07@hotmail.com) .And  send to me the following information
1} FULL NAME
2} YOUR CONTACT ADDRESS
3} AGE AND OCCUPATION
4} DIRECT TELEPHONE NUMBER I await your soonest response.
Thanks.
Christopher Hook
General Auditor of BBVA (Banco Bilbao Vizcaya Argentaria) MADRID SPAIN
Private Email :( linkchristhook07@hotmail.com)

Categories: Satsatan Mga Marka:, , ,

May Multiply Ako

Miyerkules Hulyo 9, 2008 tim ang 2 mga puna

May pa-mysterious effect pa akong nalalaman kasi.

Naisipan kong gumawa ng Mulltiply account.

Medyo personal yan. Kung mapapansin niyo, walang personal touch itong blog ko. Personal, hindi emotional. Pucha naman eh.

Diyan sa Multiply, nandiyan ang mga kuwento ko ukol sa buhay ko.

Pero hindi ito nangangahulugang aalis na ako sa WordPress. Hindi ako aalis. Hindi ako mag-a-Angel Locsin.

http://pressword.multiply.com

Categories: Satsatan Mga Marka:, ,