Iimbak

Imbakan ng Awtor

Kamot Ulo

Sabado Nobyembre 14, 2009 tim ang Mag-iwan ng puna

Unfortunately, nabura yung mga pictures na ilalatag ko para sa Friendster Pics Picks 6, ang pinakamalaking kontribusyon ko dito sa mundo.
Siguro kasi, laos na yung Friendster kaya sabi ng Maykapal:
“Anak, itigil mo na yan”

Oh siya, I’ll try to compensate.

Categories: Satsatan Mga Marka:,

Guess who’s back?

Huwebes Setyembre 17, 2009 tim ang 1 puna

Finally, after almost a year!

Nakakapag-English na ako, napansin niyo ba?

Categories: Satsatan Mga Marka:

Babalik ka rin

Lunes Nobyembre 3, 2008 tim ang 10 mga puna

Babalik at babalik ako kahit ayaw niyo. Nakailang comebacks na ako pero hindi talaga ako bumalik. Etchos ko lang yun.

Pero, ito na talaga. Babalik na talaga ako. Ilang buwan lang naman ako nawala, di ba?

Kung ang Eraseheads nga eh nag-reunion kahit ilang taon na silang nadisband, siyempre ako rin.

Kung ang Jackson 5 nga eh nag-reunion kahit ilang dekada na silang nawala, at kahit maputi na si Michael Jackson, siyempre ako rin dapat.

Leche, I’m back, finally.

Categories: Satsatan Mga Marka:, ,

Buhayin ang Blog

Huwebes Oktubre 9, 2008 tim ang 4 mga puna

Pa’no ko gagawin.

You count the ways.

Tulog muna ako.

Hiatus mode na pala ako. I can’t believe it!

Sabi ko, never kong gagawin yun.

Hindi ko namamalayan na ginagawa ko na pala yun!

Categories: Satsatan

Pururot

Lunes Agosto 18, 2008 tim ang 7 mga puna

Hanggang noong nakaraang buwan, hindi pa ako nakakapasok sa Araneta Coliseum. Kung hindi pa kami sapilitang panoorin ang pagbubukas ng UAAP ng aming guro sa P.E., hindi pa ako mapapadpad doon.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nakapunta sa Cubao, pero sa Araneta, ni isa wala. Kapag umuuwi kami sa probinsya, doon kami sumasakay ng bus. Noong hindi pa kilala ang Star City, madalas kami doon sa karnabal. Tuwang-tuwa nga ako kapag napapaiyak ko ang mga bata kapag sinasadyang banggain ng malakas na malakas ang bump car na sinasakyan nila. Dinadala ako dati ng aking tita sa trabaho niya doon sa isang pangmayaman na department store. Nabigla nga ako nang nakita ko na tinatarayan ni Korina Sanchez yung saleslady ng mga belt. Hindi ko rin makakalimutan nang manood ako ng Elephant Show noong first year high school ako. Abot-tanaw ko din noon nang nakawala ang isang elepante na namasyal sa katirikan ng araw sa EDSA. Nagulantang ang lahat ng mga nakasaksi pati na yung reporter ng ABC 5 habang tila walang kaalam-alam ang elepante sa ginagawa niya. Nasaksihan ko rin ang pang-aagaw ng isang lalaki ng shoulder bag ng isang matandang babae sa gilid ng Isetann. First time ko kaya iyon.

Pero hindi na ako gaanong napapadpad sa Cubao ngayon. Hindi na kasi kami nakakauwi sa probinsya. Taob na ang karnabal doon sa Star City at Global Fun. Nag-resign na ang tita ko sa trabaho tatlong taon na ang nakararaan. Mahirap na ngayon sumakay pauwi galing Cubao. Daan-daan kasi ang sumasakay sa istasyon ng MRT dito. Lalo pa ngang dumami ang mga sumasakay dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.

Matatagpuan ang Araneta Coliseum sa gitna ng mataong Cubao. Ito ay pinalilibutan ng sari-saring establisimiyento gaya ng Farmers’ Market, Rustan’s, Gateway, SM, at National Bookstore. Kumbaga, ito ang “puso” ng Cubao. Kapag sinabing Cubao, ikakabit mo na ang Araneta; at ang Araneta na tinutukoy ay hindi iyung apelyido ng mayayaman na may-ari ng lugar na iyon, kundi ang coliseum na hugis siopao na nasa lalagyan kung titignan mula sa taas. Minsan naiisip ako, ano kaya kung wala ang coliseum doon? Ang Ali Mall na kinikilala na kalapit ng Araneta ay hindi papangalanang Ali Mall kung hindi naganap sa Araneta ang makasaysayang Thrilla in Manila: Ali vs. Frazier noong 1975.

Samu’t saring pangyayari na ang naganap sa Araneta. Ginanap diyan ang samu’t-saring konsiyerto mula sa mga kinagigiliwan nating banyaga gaya ng Bee Gees, Fra Lippo Lippi, The Lettermen, at Panic At The Disco hanggang sa mga sariling atin gaya nina Regine Velasquez, Sharon Cuneta at Nora Aunor. Dito rin ginaganap ang PBA, UAAP at NCAA, na kinagigiliwan ng karamihan kahit iyung mga hindi marunong maglaro ng basketball na ang tanging alam ay humiyaw hanggang sa mawalan ng boses. Sa Araneta rin ginanap ang Binibining Pilipinas at ang Disney on Ice at iba pang palabas. Sa sobrang dami nito, malamang titirik muna ang aking mga mata bago matapos sa paglilista.

Ngunit, ni isa sa mga ito ay hindi ko napanood. Hindi naman kasi maiiba ang tono at titik ng kanta kung makikita ko sa personal ang kumanta nito. Hindi ko rin tipo iyung sila Mickey Mouse at Cinderella. Hindi ko maatim na manood sa Araneta kapag napapanood ko sa telebisyon na naghihiyawan na ang mga fans ng Ginebra at nilalamon na parang buhay ang UP ng ibang paaralan sa UAAP.

Ngunit nang pagpasok ko rito sa unang pagkakataon, pawang pagkamangha ang aking naramdaman. Nakalimutan ko ang mga inis na dati kong sinusumbat. Napawi ang inip ko sa ilang oras na paghihintay sa labas ng coliseum. Natulala ako sa laki nito. Kakaiba ang pakiramdam. Sa maniwala’t kayo’t sa hindi, ibang iba ang hitsura nito kung ikukumpara sa napapanood natin sa telebisyon. Aliw na aliw ako sa lakas ng kabog ng mga drums ng iba’t-ibang paaralan na pilit na nag-uunusan. Nakakatuwa din ang mga cheers ng mga paaralan. Ramdam na ramdam ang kumpetisyon dahil ang mga tao ay nagsusuot ng damit na ang kulay ay kulay ng kanilang paaralan, bitbit ang mga lobo at banner, at nagpapalakasan ng cheer. Sa Araneta, hindi tulad ng mga silid-aklatan, bawal ang tahimik dito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, makikita mo na lang ang sarili mo na humihiyaw at nagdidiwang na parang presong bagong laya. Ito lang yata ang lugar kung saan ang enerhiya mo ay hindi mauubos, ang pagod ay wala sa iyong diksyunrayo at saya ay hindi mapapantayan.

Categories: Satsatan Mga Marka:, , , ,

Pacencia galore

Miyerkules Agosto 6, 2008 tim ang 4 mga puna

Napipindot ko pala yung space bar. Tinatanggal ko kasi yung chocoloate na nasa kasingit-sinigtan ng keyboard. Pasensiya na. Pasensiya na rin kung hindi maka-update. Busy pala ang tawag doon – yung maraming ginagawa, yung maraming iniisip, yung parang impiyerno para sa iba, yung mga taong kung magpost ay bihira pa sa eclipse kung bumira.

Teka. At bakit naman ako hihingi ng patawad? Blog niyo ba ‘to? Eh akin kaya ‘to.

Categories: Satsatan Mga Marka: