Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa splashknot.wordpress.com. Tignan niyo kung anong nangyari. Hindi ko talaga maintindihan.

Anyway, kamakailan lamang iprinoklama ko na ang aking sarili bilang kaisa-isang namecologist sa lupalop. At sa mga di makapaniwala, gumawa ako ng post na susog sa aking prinsipyo.

______________________________________________________________

Ayon sa aking nabasa kamakailan,  “Names are like all poetry, they are untranslatable.”  Ang pangalan natin ang nagbibigay ng identity sa atin, sa mga birth cert. at sa lapida natin.

Kung Rose ba ang pangalan mo, sweet-tempered ka ba? Eh kung Makisig? Precious? Orion? Robin Hood? Pisces? Maroon? Michael Jordan? Gandhi? Jesus?

Ang mga airmath at airpot natin kung magbigay ng pangalan, kakaiba. Parang ngarag. Binabase nila ang mga pangalan sa kung ano ang nais nilang destiny para sa mga kids nila. Ayon sa mga nasagap ko, maraming pangalan ng mga bata ang mala-out of this world. Ilan sa mga uniques ay SawyerHeaven, Laguna, Serenity. Para bang mga pangalan ng establishments ang mga nabanggit. Meron ding Uniques na galing sa mga common names pero iniba ang izpelling para — unique, papansin gaya ng Jazon (Jason), Katharine (Katherine), Nevaeh (Heaven na baligtad). Lupit noh?

Mahirap daw talagang mag-pangalan ng bata. Ito kasi ang isang bagay na dadalhin niya hanggang kamatayan. Kaya nga kung mapapansin ninyo, bihira ka na lang makakita ng pangalan ng bata tulad ng John, Michael, Mary at Anne sa mga baby nursery sa hospital. Kung meron man, sigurado akong may second name ito. e.g. John Kenneth, Mary Grace.

Sa ngayon, may nakilala akong mag-asawa kung saan ang pangalan ng anak nila ay Charlie Harris Uro Glen S****** (surname yung S******). Uber haba naman nun. Hindi kasya sa sa pad paper ng grade one.  Sabi nung airpot, CHUGS ang magiging palayaw niya. Obvious ba? Initials. Astig, di ba?

Marami talaga ang namomroblema sa pagpili ng pangalan. Kaya nga nandito lang ako. Ang nag-iisang namecologist, si Tim B. Ang.

Try niyo yung friend test ko. Nahihirapan ang mga nag-try. Dumugo ang ilong. Pero subukan niyo. Sige na. Kahit hindi kita kilala. Sagot lang.

Testriffic Quiz Your Friends