liver.jpg 

Wala namang pamamaalam na hindi malungkot.

Ayon sa mga nabasa ko kamakailan lamang, ang Rivermaya, ang tinaguriang Banda ng Bayan, ay disbanded na.

Nakakalungkot, di ba? Inaamin kong ako ay isang fanatic ng bandang ito. Nakapanood ako ng gig nila noong March 31, 2006. Yun na pala ang kahuli-huli kong makikita na kumpleto sila. Na-meet ko pa silang apat ng face-to-face at hinatak ko pa nga si Japs Sergio, ang basista nila. Nakipag-apiran pa ko kay Rico Blanco.

Ginanap ang last gig nila sa Metro Bar noong May 4 kasama ang mga mega bands na Sandwich at Pupil. Isang madamdaming speech ang binitawan ni Rico sa set ng banda. Memorable daw ang lugar na ito kung saan dito ang banda unang nag-perform noong 1993 as front act ng Eraserheads, na disbanded na rin. Ironically, nandoon sa Metro Bar sina Raimund Marasigan at Ely Buendia, miyembro ng Eraserheads.

Habang tinutugtog nila ang Umaaraw, Umuulan, sumigaw diumano si Rico ng “Isang huling malupit.” Tapos sumigaw din si Japs Sergio ng “Lakasan niyo pa, Huli na ‘to.”

Ano nga ba ang dahilan?

rico_mefer.jpg

Rico Blanco 

Si Rico Blanco. Mag-so-solo na raw kasi siya, ayon sa mga chika. At kikilalanin na siyang Blanco. Matagal na ang mga bali-balitang mag-so-solo siya. And this time, mukhang mangyayari na to.

Medyo di ko pa rin ma-absorb ang shocking news na ‘to. Isa ng institusyon ang banda. Marami silang nagawang awit na nagpatingkad ng buhay nating mga Pilipino.

Annuman ang manyari, umaraw o umulan, maputol man ang daliri mo sa umiikot na elesi, masaksak ka man ng balisong at nagtataas ka man ng isang bandila, saludo pa rin ako sa Rivermaya para sa kontribusyon nila sa bansa natin sa pamamagitan g kanilang musika.

Kung gusto niyo ng kumpletong scoop, bumili na lang kayo ng MYX Magazine June issue. Sila yata yung cover ng issue. Nandoon din ang “huling” interview sa kanila.

normal_rivermaya.jpg

Rivermaya: One Last Look