Ayt.

May bagong page ako. Subukan niyo yung test. Inayos ko na yun. Promise.

Maugong pa rin ang balitang pag-di-disband ng Rivermaya. Kung di niyo pa alam click niyo to.

Namomroblema ako ngayon dito sa blog ko. Ka-bago-bago pa lang, inuulan na ng sandamakmak na suliranin.

Unang problema, ang pinakamabigat sa lahat, si Tim B. Ang. Ayon sa aking reliable source, may isang mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas na nagngangalang Tim B. Ang. Hindi ko naman inakala na may nag-e-exist na ganung pangalan. Kung totoo man yun, babaguhin ko talaga ang pangalan ko para na rin sa kapakanan ni Tim B. Ang, the “original.”

Kung meron mang tunay na Tim B. Ang, gusto ko siyang makilala. Pagkatapos nun, magbabago na ako ng pangalan. Ano naman kaya ang puwedeng ipalit? Help me.