Kwentong Barber-o

14 mga puna

Kaninang umaga,  excited sapagkat mag-pi-PE na kami. Pinili ko ang bowling duckpin dahil sa tawag ng kalikasan.

Dumating ako 30 minutes ahead of time. Nakita ko ang bowling alley. Grabe, mukha na itong antigong bowling alley. Pati kulay ng mga bola, parang jolen na ang kulay- kupas. Mapapansin mo ang sobrang katandaan nito.

Wala naman akong problema sa facility, excited dahil first time kong maglaro ng bowling sa actual size na alley. Dati kasi sa timezone. Noong bata naman ako, binili ako ng kuripot kong airmath ng bowling na plastik. Noong third yr. high school naman, pinauso namin yung mga mineral watter bottle bowling. mga basyo ng St. Johns flouride water ang ginamit ng pins. Mineral bottle na may lamang tubig ang ginagawang bola. Kaya naman, tuwing uwian, mina-mop namin ang sahig kasi may mapa na ng Filipinas sa sahig.

Dumating ang instructor naming si Edwin Barber on time. Mukhang bondying. Naglitanya muna siya tungkol sa pag-score ng duckpin. Aptir wan ar, pinaglaro niya na kami.

Noong una kong attempt, napadpad sa kanal (gutter) yung bola. Yun na ang huling mangyayari yun.

Nakalimang frames ako. Umiskor ako ng 42. Masasabi kong decent score yun. Actually, yun ang pinakamataas na skor sa group namin.(yabang!)

Naaalala ko yung school nurse namin sa hayskul, medyo hawig kasi sila. Parehong atletik pa. Ep y ay, barsiti direk pala si Mr Barber. Wala sa mukha, sa totoo lang.

Advertisements

Saan ako patungo?

19 mga puna

Una sa lahat, binabati ko si Dianne ng maligayang araw sapagkat siya ay sweet sixteen. sweet? Hindi!

Pangalawa, happy foundation day sa Maynila. 436 years na ang Maynila. Majonda na! Uber.

Naisipan kong gumawa ng post dahil medyo napapanis na ang blog ko. Siningit ko ito habang gumagawa ng reaction paper tungkol sa pelikula about Ifugao. Huwag niyo ng itanong kung ano ang kuwento, sawang-sawa na ako.

Sa ngayon, medyo nakaka-adjust na  ako sa buhay kolehiyo. Medyo pa lang dahil nakakaranas ako ng mild culture shock. Huwag mag-alala, mild lang yun.

Sa mga nahihiwagaan, BS Mechanical Eng’g. ang kurso ko. Unang papasok sa utak niyo- mekaniko. Ako din naman. Sa totoo lang, ayoko nito. Mas ayokong maging engineer. Napasubo lang dahil sa mapait na kapalaran. Kaya naman, 2 weeks pa lang akong kolehiyo, iniisip ko ng mag-shift. Mag-shi-ship ako dahil ayaw ko, hindi sa hindi ko kaya. Basta ayaw kong maging engineer. Kahit ano, ok lang. Ayoko na rin ng BS Math kasi Calculus agad sa pers yir.

Nilista ko na ang pasibol kors na paglilipatan ko. Heto ang anim na pinagpipilian ko.

6. Communication Research– Masarap sa tenga pero wala akong kamalay-malay kunga no to.

5. Tourism– Welcome maam, welcome sir, welkam to pilipin erlines.

4. Statistics– Mahilig ako sa math. kaya choice ko rin ito. Isa pa, yung nagnakaw ng milyun-milyong pera sa PNB-UP Campus ay gradweyt ng Statistics. Tiba-tiba to.

3. Theatre Arts– Hindi mawawala ang hilig ko sa pagpapatawa. feeling ko, may future ako. Gusto kong mag-inarte sa harap ng madlang tao.

2. Journalism– Isa sa mga aspetong peyborit ko. Tu da maks. As in.

1. Film and Audio Visual Communication– Sa ngayon, ito ang top choice ko. Sa pangalan pa lang, ito yung tipo ng kors na balak kong targetin. Hilig ko rin ito. Teacher daw dun si Lino Cayetano.
Ano ba talaga? Nalilito ako. Gusto ko ng umalis sa engineering. Bakit ba kasi napasubo dito?  Help me. The boat is sinking. Ang bigat ko kasi eh.

MTV VJ Hunt 2007

24 mga puna

Who’s my bet?

She’s none other than:

finalist_mainpic.jpg

Si Andi. Vote niyo siya. MTVVOTE_ANDI then send to 2976. You may also vote at mtvphil.com/vjhunt

This is her profile. From mtvphil.com

Andi Manzano

Age: 20

Current occupation: student

Describe yourself in FIVE words: Active, God-fearing, Sporty, “likes to try new things”, “game for anything”crazy, have the passion for learning.

Celebrity you’d like to interview: Justin Timberlake, Angelina Jolie

Favorite music genre: ALL! �?�

Favorite local artists: Parokya ni Edgar, Gary V.

MTV VJ you look up to: KC Montero

Favorite MTV shows: MTV Fashionista, Ramon Bautista show

What makes you the next MTV VJ: I am eager to learn and experience new things. I’m also game for everything, especially to touch the lives of people.

finalist_photophp.jpgfinalist_phklotophp.jpg

finawq3q32list_photophp.jpgfinalisdfwet_photophp.jpg

Vote for her. Please! Sa June 23 na ang finals sa Mall of Asia.

Sweetest downfall (first of a super short series)

6 mga puna

Ano namang ka-dramahan to? Wala lang naman. Isasalaysay ko lang ang unang linggo sa kolehiyo.

June 12– Malamang isang malupit na Inde Day ang naganap.

philippine_flag_.gif Proud na proud ako. Unang araw ng klase. pero yun. Ayos ang araw dahil nagkaroon kaagad ako ng friends from our society. Itatago ko ang kanilang katauhan. Duh! Anyway, who cares? Basta libre ang MRT  kaya tipid ako. May assembly din para sa mgafreshie. May rally scene pa na sumapaw sa magandang performance ng mga chorale.

June 13– PE lamang ang kales ko. Lintik dahil wala ang instructor na si Barber. Bowling duckpin ang PE ko. Less hassle.

June14– Dumating ang uugod na prof ko sa Bio1 30 minutes late. Unprofessional prof. Sumunod naman lumamon kami kung saan may hinimatay na babae sa harapan ko mismo. Dahil mabait ako, tinitigan ko lang siya. Binuhat siyo ng 2 Johnny Thor sa kuwartong may aircon. Swerte niya, kaya nga gusto ko ngang lumupasay na rin. Aos naman ang instructor ko sa Math. Mukhang maamo. Ang instructor ko naman sa Geog ay mas mukhang bata pa sa akin. Noong nasa klasrum na kami nang dumating siya at tinanong ko, “Excuse me, may upuan doon (ngumuso ako sa may likuran)”. Bigla na lang siyang nagsalita sa harapan at nag-gud apternun. Wow. Pahiya ako.

June 15–  Pumasok ako ng pagka-aga-aga para sa wala. Ang prof namin sa Kasaysayan ay kamukha at kaboses ni Nanette Inventor. Tapos ang teacher naman namin sa Comm3 ay baklang version ni Eddie Garcia.

3703523957.jpg r029000147.jpgMga prof ko, artista ang sideline.

Tapos noong pauwi na ko, nakasabay ko si Patatas, ang unang babaeng kinahumalingan ko. Shock, pers lab never dies. (magkatabi kami. sinadya niya yun. hehe.) Skulmate ko siya nung haysku, hindi batchmate.
Patatas: Uy M*****!

Tim Ang: Uy P*******!

Patatas: Kamusta naman? Anung kors mo?

Tim Ang: Ha? Kamusta! ME kors ko.

Patatas: ME? Level mo. Masteral! (pasensiya isa’t kalahati ang utak kasi niya.)

Tim Ang: Hindi masteral. M**E**.

Patatas: (Tumawa siya. Wala na pala  ang brace niya.)

Hindi ko na ikukuwento ang mahabang usapan namin. Medyo kumplikado at nakakapagod i-type. Kinikilig pa rin ako pag nakikita ang linta na yun. Ewan ko ba. Akala ko limot ko na siya. Hindi pala. Habang nag-uusap kami naaalala ko yung kanta na Samson ni Regina Spektor. Theme song nina Bruce at Wendy sa PBB.

Pasakan na! Kas1.MRT Libre!

14 mga puna

Ngeeps!

Wala lang. Nasa paaralan ako ngayon pero wala ang guro namin kanina. Nang- indian ata.

Part 2 ito ng Rico Blanco at Rivermaya entry ko. Ayon sa Multiply Site ni Rico Blanco,

ISA MUNANG PATALASTAS…

Dear friends, i am no longer with the band and management of rivermaya. I have been with the group from the start, and after 14 great years, I am now quite excited about the chance to finally do other things with my life, pursue endeavors outside of the entertainment spotlight. This is a desire I have made known to my group as early as 2005 and have already postponed several times. I will surely miss the music and the fans and will always cherish the experience. I hope you will continue supporting the group and the whole of opm. My work is done. Thank you for all your incredible love and support.

Kalungkot naman. Hehe. Fashion designer na ngayon si Rico. Imbernes, maganda naman ang mga damit.

Galing ang post na to sa bulletinna pi-nost ng friend ko sa friendster. Ibig sabihin, hindi tungki=ol sa kin to, kundi sa iba. Sana masikmura niyo ang kanyang ka-cheesy-han at ka-mushy-han.

1.) Anong music ang pinapatugtog mo
ngayon?
=wala.walang tugtog

2.) San ka galing kagabi, anong ginawa
mo dun?
=sa tapat ng bahay ng ka-tropa ng kuya
ko..tambay lang

3.) Sinong huli mong nakausap sa
phone?
=si bacon uli..at uli.sya lang ang
tumatawag sa bahay..wahaha! kawawang
telepono

4.) Sinong iniisip mo ngayon?
=si via,mamimiss ko yun..sigurado.

5.) Happy ka ba ngayon?
=oo,pati si mirmo at si
bacon..nakakatawa kasi yung pinananood
nila e

6.) Kamusta naman ang life moh?
=masaya na magulo na nakakatuwa
na..na..na.

7.) Mabilis ka bang magsawa?
=depende

8.) Gusto mo bang makipag telebabad sa
telephone?
=alangan naman sa drum? hindi.

9.) Sinu-sinong mga ka text moh ngaun?
=wala.wala ng load.hindi rin kasi ako
pala text at pala load e.

10.) Pagod ka ba ngayon?
=hindi.lagi kasi akong hyper e..ahaha

11.) Napagalitan ka ba ng parents mo
ngayon?
=hindi.parehas kasi silang wala e

12.) Umiyak ka ba kanin
=hindi.naluha lang..ang bangis kasi ng
samurai x:reflection, director’s cut
e..

13.) Mahilig ka ba sa gifts?
=oo.lalo na pag mga sulat

14.) Anong gusto mong gawin ngayon?
=simulan na yung dapat kong tapusin
pero hindi ko magawa dahil inaatake na
naman ako ng katam.

15.) San mo gustong pumunta?
=sa loob ng refrigerator.ang init e!

16.) Excited ka ba sa graduation?
=ni ate carl,oo,pero ngayon naaasar
lang..tsktsktsk..

17.) Umiinom ka ba ng mga alcoholic
drinks?
=minsan.

18.) Anong mas gusto mo… makulit o
pasaway?
=parehas.masarap silang sadistahin
e.hindi kasi mahahalata kasi sila ang
magtutulak sayo para gawin mo yun sa
kanila..

19.) Malambing o maangas?
=whoa.parehas

20.) Anong fave mong drink?
=tubig at tubig at tubig at kape at
tsaa

21.) Adik ka ba sa internet?
=hindi

22.) Anong feeling mo pag may kausap
ka sa phone?
=depende.pag peste yung kausap
mo,mapepeste ka talaga,pero pag maayos
at matino,walang kaso.

23.) Anong favorite mong thing sa
bedroom mo?
=yung kumot at yung unan at yung mga
anak ko

24.) ano lagi mong katabi matulog?
=bukod sa kapatid kong hindi makatulog
pag walang katabi,yung sandamakmak na
unan.

25.) Anong feelings mo ngayong oras
na ‘to?
=masaya

26.) Mahilig ka ba sa mga remembrance?
=oo.sobra.

27.) Anong ginagawa mo ngayon?
=ginagawa to

28.) Kumain ka na ba ng dinner?
=oo

29.) Anong huli mong pinanood sa TV?
=yung samurai x director’s cut

30.) Cnu-cno bang love mo?
=yung mga taong pinahahalagahan
ko,minamahal at nagpapasaya sa akin..

Part 2

1.Marunong ka bang magluto?
– medyo

2.Kumakain ka ba ng ampalaya?
– ah..kapag salad lang..

3.Anong mas gusto mo, Mcdo or
Jollibee?
– jobee

4.Anong madalas mong inoorder
sa number 3?
– yung 3 mismo..hahah

5.Mahilig ka ba sa maanghang?
– solid.

6.Mahilig ka ba sa scrambled?
– alin? yung parang shake na puno ng
food color o yung itlog?

7.Anong mas gusto mong sawsawan
ng fishball, ung matamis o ung
maanghang?
– yung suka.

8.Anong paborito mong sangkap
ng halo-halo?
– yung leche flan at yung
gatas..sige,pati daw yung yelo

9.Sumusunod ka ba sa
instruction ng isang recipe?
– hindi.pasaway lang

10.Anong kakanin ang gustong
gusto mong kainin?
– biko..tsaka kahit anong
kakanin ..ayos sa kin

11.Bumibili ka ba ng samalamig
na may sagong maliliit?
– oo..tapos mag titirahan
kami..wahahah..dugyot.

12.Banana-q o Turon?
– banana Q

13.San ka madalas kumain ng
tapsilog?
– sa bahay

14.Nasarapan ka ba sa Pearl
Coolers?
– zagu ako

15.Thick crust or Thin crust?
– thin crust

16.Kinakain mo ba ung taba na
nasa dulo ng pork bbq?
– hindi na din ako kumakain ng pork

17.Bumibili ka ba sa manong na
nagtitinda ng tuhog tuhog na mangga at
singkamas?
– oo

18.Catsup ba o Mayonnaise ang
sawsawan mo ng French fries?
– basta tomato catsup tas mayo..solve

19.Ano ang madalas na Special
Order request mo kapag umoorder ka sa
fast food restaurant?
– sundae

20.Dine-in or Take-out?
– kahit ano

21.San ka nakakain ng masarap na
sisig?
– sa bahay

22.Ala Carte or Set Meals?
– any will do

23.Mahilig ka bang mag-softdrinks?
– hindi ako mahilig sa softdrinks

24.Kumakain ka ba ng nakakamay?
– oo naman

25.Anong paborito mong ipalaman
sa tinapay?
– kahit ano basta tinapay!!!

26.Nakakain ka na ba ng adidas
at ulo ng manok?
– yung adidas,oo pero yung
helmet,minsan lang tas hindi ko naubos
kasi hindi ko talaga gusto yung lasa

27.Tinatabi mo ba yung komiks sa
bazooka?
– oo!

28.Chicharon or Fish Cracker?
– fish cracker

29.Bumibili ka ba nung laruan na
may candy sa loob?
– oo..=)

30.Nakatikim ka na ng kwek-kwek?
– oo naman

31.Kinakain mo ba ung sisiw na
nasa balut?
– hindi po ako kumakain ng balut

32.Nagmimidnight snack ka ba?
– opo..

33.Malakas ka ba sa kanin o sa
ulam?
– sa kanin

34.Champorado o Lugaw?
– pareho

35.Cheese Ensaymada o ung plain
lang?
– cheese

36.Boy Bawang o Cornbits?
– pareho..

37.Kapag Wet Goods, Grocery o
Palengke?
– grocery

38.Anong part ng manok ang
paborito mo?
– breast!

39.Nasubukan mo na bang iulam
ang chippy?
– mamaya..susubukan ko

40.Curly Tops o Nips?
– paweho pu

41.Anong paborito mong luto sa
itlog?
– basta luto yung yolk..

42.Kumakain ka ba ng dinuguan?
– dati

43.Cold drinks o hot drinks?
– sa ngayon,coldest.

44.Ginagawa mo din bang lipstick
ung cherry ball bago mo kainin?
– noon

45.Hany o Chocnut?
– hany

46.Anong pagkain ang binibili mo
pagkatapos mong magsimba?
– ah.

Ayoko ngang sagutin to. Nakakasawa na. Mas masaya kung nabuksan mo ang account ng ibang tao. Hacker!

Kainis kanina kasi uber puno ng MRT kanina porket libre.

Halo-halong ka-chokaran ng mga litrato

29 mga puna

Malapit na ang pasukan. At tulad ng dati kong hinaing, tinatamad pa ako.

Sabi ng aking Airmath, napakabait ko daw na anak. Hindi daw ako pasaway- nasa bahay lang. Kaya nga namumuti na naman ako. Tulog, kain, nood tv, linis bahay ang ginagawa ko sa buong araw. Ang boring, no? Pero ayos lang.

fg-r.gifUsapang tv lang ang isusulat ko ngayon…

Napanood ko sa ESPN ang launching ng 2012 London Olympics logo. At eto nga yun.

Hindi ko maintindihan kung ano ba ng klaseng logo to. Distorted 2012 pa la ito. Di ba ang panget, parang gawa lang ng singko anyos na bata. Wat you say?

paris-hilton-nip-slip.jpg

Kita-kits sa kulungan. Anu yung nakikita ko, Paris? Kita ang anu mo.

lindsay-lohan-poster-c10291614.jpeg

Kita-kits sa rehab. Bangag na rin ako.

000015.jpg

Promise. Magaling si Seth Rogan sa Knocked Up. Sobrang nakakatawa siya.

144297376l1.jpg

Ang guwapo ni Pete Wentz ng Fall Out Boy. Ang kyut ng video nila na Thnks Fr th Mmrs. Ang kyut ng mga unggoy.

Pasukan na. I hayt it.

Makati po lamang

19 mga puna

Makati. 337 years na. Yeah.

Napadpad ako kanina sa city hall. Kakaiba ang bumulaga sa akin. Tambak-tambak na June 1 edition ng Manila Bulletin.

Naisipan kong kumuha ng isa. Editorial ng diyaryo ang 337th year ng Makati. Kaya naman pala. Kahit saan ka mapadpad, hindi mawawala sa paningin mo ang Manila Bulletin. Kahit sa cr, merong diyaryo. Ginamit sa paglalabas ng sama ng loob.

Pagbalik ko ng bahay, nag-uwi ako ng sandamukal na diyaryo mula sa city hall para ibenta. May kumagat naman sa raket ko, kaya ayos. Masarap ang buhay ko ngayon.

Proud na proud ako sa Makati kasi mula nang nasa sinapupunan pa ako ng akin Airmath, nasa Makati. Kaya naman isa akong tunay at blue-blooded batang Makati.

Ako ay batang Makati

Maasahan

Aktibo

Kapakipakinabang

Agresibo sa pagtulong sa bayan.

Tapat

Ito ako…. ang batang Makati.

Makati is located within the quadrangle of 12° 01′ latitude north and 14° 33′ longitude east. It is bounded on the north by the Pasig River facing the City of Mandaluyong, on the east by the Municipality of Pateros, on the northwest by the City of Manila, and on the south and southwest by the City of Pasay. It is one of the fourteen (14) cities of the National Capital Region which also include three (3) municipalities.

Makati is a short 15 minute-drive from the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) and the Manila Domestic Airport. Air-conditioned buses plying the Epifanio De los Santos Avenue (EDSA) route from Baclaran in Paranaque to Quezon City and Kalookan City pass through the Central Business District (CBD) daily. Jeepneys ply Makati’s inner roads, and connect the city to its surrounding towns and cities. The Manila Rail Transit (MRT) on EDSA has three stations located in Makati : Guadalupe, Buendia and Ayala Avenue.

Source: http://www.makati.gov.ph/portal/index.jsp

4269289863.jpg

Logo ng Makati

dsafdf.jpg

Endorser ng Letsugas tawas! Si Mayor Jejomar C. Binay

Proud talaga ako sa pagiging Makateño! Go Makati! Happy 337th anniversary! Ang tanda mo na!