Ano namang ka-dramahan to? Wala lang naman. Isasalaysay ko lang ang unang linggo sa kolehiyo.

June 12– Malamang isang malupit na Inde Day ang naganap.

philippine_flag_.gif Proud na proud ako. Unang araw ng klase. pero yun. Ayos ang araw dahil nagkaroon kaagad ako ng friends from our society. Itatago ko ang kanilang katauhan. Duh! Anyway, who cares? Basta libre ang MRT  kaya tipid ako. May assembly din para sa mgafreshie. May rally scene pa na sumapaw sa magandang performance ng mga chorale.

June 13– PE lamang ang kales ko. Lintik dahil wala ang instructor na si Barber. Bowling duckpin ang PE ko. Less hassle.

June14– Dumating ang uugod na prof ko sa Bio1 30 minutes late. Unprofessional prof. Sumunod naman lumamon kami kung saan may hinimatay na babae sa harapan ko mismo. Dahil mabait ako, tinitigan ko lang siya. Binuhat siyo ng 2 Johnny Thor sa kuwartong may aircon. Swerte niya, kaya nga gusto ko ngang lumupasay na rin. Aos naman ang instructor ko sa Math. Mukhang maamo. Ang instructor ko naman sa Geog ay mas mukhang bata pa sa akin. Noong nasa klasrum na kami nang dumating siya at tinanong ko, “Excuse me, may upuan doon (ngumuso ako sa may likuran)”. Bigla na lang siyang nagsalita sa harapan at nag-gud apternun. Wow. Pahiya ako.

June 15–  Pumasok ako ng pagka-aga-aga para sa wala. Ang prof namin sa Kasaysayan ay kamukha at kaboses ni Nanette Inventor. Tapos ang teacher naman namin sa Comm3 ay baklang version ni Eddie Garcia.

3703523957.jpg r029000147.jpgMga prof ko, artista ang sideline.

Tapos noong pauwi na ko, nakasabay ko si Patatas, ang unang babaeng kinahumalingan ko. Shock, pers lab never dies. (magkatabi kami. sinadya niya yun. hehe.) Skulmate ko siya nung haysku, hindi batchmate.
Patatas: Uy M*****!

Tim Ang: Uy P*******!

Patatas: Kamusta naman? Anung kors mo?

Tim Ang: Ha? Kamusta! ME kors ko.

Patatas: ME? Level mo. Masteral! (pasensiya isa’t kalahati ang utak kasi niya.)

Tim Ang: Hindi masteral. M**E**.

Patatas: (Tumawa siya. Wala na pala  ang brace niya.)

Hindi ko na ikukuwento ang mahabang usapan namin. Medyo kumplikado at nakakapagod i-type. Kinikilig pa rin ako pag nakikita ang linta na yun. Ewan ko ba. Akala ko limot ko na siya. Hindi pala. Habang nag-uusap kami naaalala ko yung kanta na Samson ni Regina Spektor. Theme song nina Bruce at Wendy sa PBB.