Una sa lahat, binabati ko si Dianne ng maligayang araw sapagkat siya ay sweet sixteen. sweet? Hindi!

Pangalawa, happy foundation day sa Maynila. 436 years na ang Maynila. Majonda na! Uber.

Naisipan kong gumawa ng post dahil medyo napapanis na ang blog ko. Siningit ko ito habang gumagawa ng reaction paper tungkol sa pelikula about Ifugao. Huwag niyo ng itanong kung ano ang kuwento, sawang-sawa na ako.

Sa ngayon, medyo nakaka-adjust na  ako sa buhay kolehiyo. Medyo pa lang dahil nakakaranas ako ng mild culture shock. Huwag mag-alala, mild lang yun.

Sa mga nahihiwagaan, BS Mechanical Eng’g. ang kurso ko. Unang papasok sa utak niyo- mekaniko. Ako din naman. Sa totoo lang, ayoko nito. Mas ayokong maging engineer. Napasubo lang dahil sa mapait na kapalaran. Kaya naman, 2 weeks pa lang akong kolehiyo, iniisip ko ng mag-shift. Mag-shi-ship ako dahil ayaw ko, hindi sa hindi ko kaya. Basta ayaw kong maging engineer. Kahit ano, ok lang. Ayoko na rin ng BS Math kasi Calculus agad sa pers yir.

Nilista ko na ang pasibol kors na paglilipatan ko. Heto ang anim na pinagpipilian ko.

6. Communication Research– Masarap sa tenga pero wala akong kamalay-malay kunga no to.

5. Tourism– Welcome maam, welcome sir, welkam to pilipin erlines.

4. Statistics– Mahilig ako sa math. kaya choice ko rin ito. Isa pa, yung nagnakaw ng milyun-milyong pera sa PNB-UP Campus ay gradweyt ng Statistics. Tiba-tiba to.

3. Theatre Arts– Hindi mawawala ang hilig ko sa pagpapatawa. feeling ko, may future ako. Gusto kong mag-inarte sa harap ng madlang tao.

2. Journalism– Isa sa mga aspetong peyborit ko. Tu da maks. As in.

1. Film and Audio Visual Communication– Sa ngayon, ito ang top choice ko. Sa pangalan pa lang, ito yung tipo ng kors na balak kong targetin. Hilig ko rin ito. Teacher daw dun si Lino Cayetano.
Ano ba talaga? Nalilito ako. Gusto ko ng umalis sa engineering. Bakit ba kasi napasubo dito?  Help me. The boat is sinking. Ang bigat ko kasi eh.