Kaninang umaga,  excited sapagkat mag-pi-PE na kami. Pinili ko ang bowling duckpin dahil sa tawag ng kalikasan.

Dumating ako 30 minutes ahead of time. Nakita ko ang bowling alley. Grabe, mukha na itong antigong bowling alley. Pati kulay ng mga bola, parang jolen na ang kulay- kupas. Mapapansin mo ang sobrang katandaan nito.

Wala naman akong problema sa facility, excited dahil first time kong maglaro ng bowling sa actual size na alley. Dati kasi sa timezone. Noong bata naman ako, binili ako ng kuripot kong airmath ng bowling na plastik. Noong third yr. high school naman, pinauso namin yung mga mineral watter bottle bowling. mga basyo ng St. Johns flouride water ang ginamit ng pins. Mineral bottle na may lamang tubig ang ginagawang bola. Kaya naman, tuwing uwian, mina-mop namin ang sahig kasi may mapa na ng Filipinas sa sahig.

Dumating ang instructor naming si Edwin Barber on time. Mukhang bondying. Naglitanya muna siya tungkol sa pag-score ng duckpin. Aptir wan ar, pinaglaro niya na kami.

Noong una kong attempt, napadpad sa kanal (gutter) yung bola. Yun na ang huling mangyayari yun.

Nakalimang frames ako. Umiskor ako ng 42. Masasabi kong decent score yun. Actually, yun ang pinakamataas na skor sa group namin.(yabang!)

Naaalala ko yung school nurse namin sa hayskul, medyo hawig kasi sila. Parehong atletik pa. Ep y ay, barsiti direk pala si Mr Barber. Wala sa mukha, sa totoo lang.