Nanonood ako ng Pinoy Big Brother,  sa maniwala kayo o hindi.

Nanalo si Beatriz. Siya ang bet ko simula pa lang ng pagpasok niya sa bahay sa maniwala kayo o hindi.

Pero mas big winner pa rin ang ABS-CBN dahil sa ginawa nilang kalapastanganang pag-mamanipula ng mga tinig ng sambayanan. At ang resulta- sandamakmak na pera sa kumpanya ng mga Lopez.

Nakakapagtakang nakapasok sa Big 4 si Wendy. Kung susuriin, malaki ang tiyansa niyang ma-evict noong pito pa sila. Kaso, na-evict si Nel, ang may pinakamalakas na tiyansang maging big winner, kung pag-babasehan ang sabi ng mga manonood.

Wala akong galit o anumang inis kay Wendy. Matutuwa sana ako kung napaali siya noong una pa man. Ang kaso, ginamit ng ABS-CBN ang kontrobersiya sa pagitan ng mga babae para umani ng text votes. Para maalis si Wendy, boboto ang fans ng ibang housemates ng pagkarami-rami para malampasan ang botong makukuha ni Wendy.

Lalo pang nainis ang sambayanan ng ma-evict si Bruce imbes na si Wendy sa11th eviction.  Isa lang ang dahilan- para kumita ang ABS-CBN. Siyempre boboto ulit ang mga fans ng ibang housemates para malampasan ng boto ni Wendy para ma-evict na nga siya. Habang ang mga fans ni Wendy, boboto rin ng sandamakmak para hindi mapaalis ang kanilang idol.

Ganun ang nangyari sa pagka-evict ni Bodie. Napabilang sa Big 4 si Wendy. Isang malaking kabalintunaan na minanipula ng ABS-CBN sa ngalan ng pera.

Para di ma-disappoint ang mga Wendy-natics, malamang sa malamang, hindi magiging fourth big placer si Wendy para hindi mahalata na may nangyayaring anomalya sa bilang.

Kaya naman naging biktima si Gee-ANn, eventually ang fourth placer. Isa rin siya sa mga clear favorites para manalo. Pero dahil sa kabalbalang ito, sumemplang siya sa fourth place.

Sino ba ang niloko ng ABS sa bilangan? Hindi naman tanga ang manonood para di malaman kung sino ang karadapat-dapat na magwagi. Nabawasan ang kredibilidad ng buong istasyon dahil sa nangyari. Pera at ratings lang naman ang habol nila. Hindi ang nais ng kanilang mga manonood.