Mode: Praning sa kantang STOLEN ng Dashboard Confessionals. It is a super gay song. Kaya naman nawiwindang ako.

Ayon nga sa title ng post ko, isang karaniwang linggo lang ang nagdaan. Tulad ng dati, nag-aral, natulog, kumain, nakita ang mga kaibigan, naglaro, tumawa, nagpatawa, hindi tumawa, nagtanggal ng muta at kung anu-ano pa na wala namang kaiba sa mga ginagawa ko dati. Dull. Boring. Sweet. Stupid.

Parang history repeats itself ang drama ko. Pero ayon nga sa prof ko sa Kasaysyan, history did not need to repeat itself. Maaaring naulita ng pangyayari o ang tinatawag na pattern, pero ang oras, lugar at kung anu ano pang salik ay maaring naiba.

Parang nangangaral ako. Boring. Dull. Stupid. Sweet.

Parang may hinahanap ako na nawala sa akin.

Hindi ako nag-da-drama.

Parang ganun na nga. Walang maisip kung ano ang isusulat.

Samantalang maraming bata ang nagugutom sa kalye kaya nag-release ng album si Barry Manilow ng kanyang greatest hits para hindi makulong si Nicole Ritchie. Tinuringan ka pa namang matalino, tapos blah.. blah…  Kaya dapat manood ng Lupin dahil si Ronchard Gutierrez ay humahagupit gaya ng bagyong timang na pumunit sa bandila ng Kenya sa tapat ng bahay ni Janno Gibbs.