Substantial

20 mga puna

Better late than never.

Ti-nag ako ni Mithi. Mag-share daw ng walong bagay na tungkol sa ‘yo na di pa alam ng mga bumabasa sa blog mo. Pagkatapos nun, ipasa ito sa walo pang blogger na wala pang ganitong meme.

Actually, may nag-tag na sa akin nito ilang buwan na ang nakalipas sa aking ninunong blog. Pero, hindi ko ‘to ginawa. Ngunit sa ngalan ng dangal at pagpapakapagod ni Mithi, gagawin ko ‘to.

Actually, ayoko talagang magsasagot ng mga ganito. Nabuburaot talaga ako. Pero gagawin ko ‘to.

1. HINDI AKO KUMAKAIN NG BABOY. Hindi naman ako Muslim para di kumain ng baboy, pero ayoko lang talaga. Pero kumakain ako ng hotdog (baboy daw yun) at ng picadillo (giniling na baboy).

2. FEEL KO AKO ANG PINAKAMATALINO PAG DATING SA SPORTS. Pinakamatalino, hindi pinaka-athletic. Feel ko alam ko lahat ng klase ng sport na nag-e-exist sa mundo. Feel ko alam na alam ko lahat sa sports.

3. NAGLULUHO ANG MUNDO KO KAPAG NAKIKITA KO SI JESSICA ALBA. Obviously, di pa nagkikita in person. Pero pag nakikita ko yung hitsura, para akong asong ulol na naglalaway to the max. Kaya nga hindi ako nanood ng Fantastic Four. Mahirap na.

4. GINAGAMIT KONG DENTAL FLOSS ANG KUKO. Ang dugyot ko pala. Nagguggupit ako ng kuko, tapos yung ginupit na kuko, ipapasok ko sa pagitan ng ngipin ko.  

Oh siya, shine na. Part 1 pa lang yan. Pinaglalaway ko lang kayo. As if…

Advertisements

Sinong nagsabing swerte ang 8?

43 mga puna

Medyo nakakaraos na ako sa mga gawaing paaralan. Medyo pa-bondying-bondying pa, nakatutok sa harap ng computer, at nakikinig sa Me, Myself and I ni Beyonce.

Naalala ko ‘tong kanta kanina. Sumali kasi ako sa isang contest sa aming paaralan para sa mga freshmen. Dahil sa tawag ng kalikasan, sumali ako. Ito ang unang sinalihan kong contest sa kolehiyo. Isang Math contest ang sinalihan ko.

Nang mag-pa-pa-register na ako kanina, nagtataka ako kung bakit sobrang dami ng sumali. Tinanong ko ang isang ate nagka-blue na obviously ay isa sa mga organizers ng event. Ayon sa kanya, pwede raw ang tatluhan at dalawahan. Eh ano bang malay ko na may ganung epek pa ang contest. Basta ako solo. Kung manalo man, tiba-tiba. Walang kahati.

Tinanong ako sa registration kung ano raw ang gusto kong group name. Nag-reply ako bigla: “Ate, kamusta ka? Pa’no ako magkakaroon ng group name, eh solo nga po ako.” Kaya naman, si ate na lang ang nag-isip ng “group name” ko: “Team Ko”. Sobrang kadri, di ba? Halatang pinag-isipan.

Siyempre, nagkaroon ng eliminations. Unang tanong pa lang, nilagpasan ko na. Nilaktawan ko ang sumunod. Tapos, nasa kabila page na ako. Tapos, last page na pala, at wala pa rin akong nasasagutan. Dinugo talaga ako sa sobrang hirap. Kaya naman naisipan kong sight seeing. Nakita ko ang aking schoolmate na uber galing talaga. Hands down ako sa kanya. Nakita ko rin ang isa kong kalaban noong high school. Hindi ko akalain na magaling pala siya sa Math. May nakita akong asungot na mukhang bangag. Naligaw ata. Meron naman na parang nag-tatalumpati dahil sobrang lakas ng pagbasa niya ng problem. Kahit sino pa ang nakita ko, wala akong makitang sagot.

Basta, makalipas ang dalawang oras, ipinasa na ang papel. May mga nasagutan naman ako pero “dugo at pawis” talaga ang effort ko sa pag-so-solve nun. Bumalik daw kami after one hour and half para malaman kung sino ang top 16 na makakapasok sa quaterfinals.

Sumabay ako sa mga schoolmates ko nung high school para kumain. Pinag-uusapan nila ang mga sagot sa mga questions. Samantalang ako, unga lang ng unga at napa-“ganun ba” na lang sa mga pinagsasabi nila. Samakatuwid, hindi na ako umaasa pa na makapasok sa top 16 na yan.

Pero dahil sa kakapalan ng aking mukha, bumalik ako para makita ang resulta. Actually, napaaga ako ng dating dahil sobrang excited.

Pumunta lang ako sa CR para maglabas ng “sama ng loob”, at noong pagbalik ko nakadikit na ang resulta.

Sa di inaasahang pangyayari, nasabit ang “Team Ko”, pangalan ng team ko, sa top 16. Samantalang ang mga schoolmates ko ay di nakapasok.

Quarterfinals. Hinati ang 16 teams sa apat na groups. Tapos kung sino yung top 2 sa group, pasok sa semis.

Ayun. Nasa Quarterfinal 2 ako. Group of Death kuno ito. Sa apat na grupo, ako lang ang solo. Lahat sila trio. So ayun, yung mga pipol naghihiyawan.

Unang dalawang tanong, dinugo ako. Wala pa naman akong kasama. Kausap ko, sarili ko.Tapos, yung third question, nasagutan ko. Palakpakan ang tao. Kasi, nasagutan ko agad.

4 points yun. Leading ang group 1 by far away 18 points. Tapos, the other groups were scoreless. So ibig sabihin second ako at pasok sa semis. Until…. (The question is worth ten points)

“What is the 10th digit of the product of 13452094452423 and 125?”

Di ko sure yung number nakalimutan ko na, basta. So, ako todo-solve. Yung isang grupo na scoreless pa,

Ui, hulaan na lang natin. Kahit anong number from 0 to 9. Baka tumama. May probability na 1/10 na tama ang wild guess natin.”

Tapos, pinundot nila ang buzzer, nagsalita ang isa sa kanila,

“8”

Sabi nung host,

” Your answer is correct”

Hiyawan sila. At ako naman ay nadagundong. Sa lahat pa ng number na pwede nilang banggitin, eh yung tama pa ang nasabi nila. Linsiyak naman.

Pagkatapos nun may 2 questions pa. Di ko siya kinaya. Ayun, nag-third ako sa group. Di ako nag-qualify sa semis.

Okay lang naman sa akin yun. Di ko naman talaga in-expect na makakatungtong ako sa quarterfinals. Natawa pa nga ako after all.

May premyo naman ako: gift certificate sa TGI Fridays. PhP 500 off for PhP1000 worth of food purchase. Pampalubag loob. Aanhin ko naman yun kung wala naman akong pera para lumamon sa TGI Fridays?

 

P.S.    1. Mithi, ginagawa ko pa yung ti-nag mo sa akin. Ang hirap mag-isip talaga.

          2. Yung mga links nilipat ko na sa isang page; Kumakabit page

When You Leave, Leave It Here

29 mga puna

Bagong header image, mula sa pelikulang Mr. Bean’s Holiday.

Kapapanood ko lang nito sa pekeng DVD, ang kauna-unahang DVD na binili ko na hindi original. Hirap na hirap akong manood sapagkat lumalandi ang aming DVD player kaya pa-putol-putol ang mga eksena. Pati pagtawa ko paputol, parang installment.

Pinanood ko ito muli, sa computer. Hirap na hirap ako kasi wala namang sounds. Pakiramdam ko bingi ako na tawa ng tawa.

Ang maganda sa Mr. Bean kahit walang tunog maiintindihan mo ang mga ginagawa niyang mga kabalastugan.

Sa mga mambabasa ng blog na ito, lalo na sa naghihintay ng second installment ng Friendster pic pics, mukhang matatagalan pa ang paghihintay niyo. Nahihirapan kasi akong mag-save ng mga pics. Pero, gagawin ko talaga siya.

___

Pansin ko lang. Mukhang mainit na mainit sa mga WordPress bloggers itong si Malu Fernandez. Kung, i-ta-translate ko ito sa aking baluktot na Ingles, “Malu Fernandez is so hot, according to WordPress bloggers.” Hinayupak na English, di ba?

Hindi na ako magsasalita tungkol sa isyu na ito. Tama na.

All Roads Lead To Manila

32 mga puna

Lahat na lang.

Three foreign acts ang pupunta sa Manila this September.

Una na ang Switchfoot. Sa Araneta Coliseum ang concert nila, September 10. For more details, click.

Susunod. Fall Out Boy. Opo, tama ang nababasa niyo. Sa September 21 naman ang concert nila (in memory of Martial Law. haha)  sa walang kamatayang Araneta Coliseum. Front act daw ang local version ng Fall Out Boy, ang Chicosci. (horrible)

Last, si Elliott Yamin ng Americal Idol Season 5. Mga mini-concerts lang yata ito sa mga Ayala Malls pero libre. 3rd week of Septmber siya nandito.

Ang galing naman. Ang daming nagbagsakang foreign acts sa Pinas. Ano kayang nakain nila at naisipang dumaan dito sa Pilipinas?

Well. Excited ako. Gusto kong mapanood yung tatlo. Pero, wala akong pera. Siguro, makakapunta ako kay Elliott Yamin kasi libre.

Kung papipiliin ako between Fall Out Boy and Switchfoot, pipiliin ko ang Switchfoot. Mas trip ko ang tunog nila. Pero wala nga kong pera para manood.

Buti na lang, nahinto na ang invasion ng mga old singers na nag-co-concert sa Pilipinas, gaya ng Bee Gees, Fra Lippo Lippi. Nakakasawa na.

Baguio Bagyo

39 mga puna

Pumasok na ang bagyong Egay sa Pilipinas. Malamang, uulan sa mga sumusunod na araw.

Ito ang pang-limang bagyong papasok sa bansa. Ibig sabihin, more storms to come.

Kaya naman, tinignan ko ang website ng PAG-ASA para sa kumpletong listahan ng mga pangalan na ibibigay sa mga bagyo. Kaso, wala akong nakita. Kaya naman, gumawa ako ng sariling listahan ng pangalan ng bagyo:

A-E: Tapos na

F- Falayfay

G-Greta (kontrobersiyal kasi si Gretchen ngayong taon)

H- Hipnesia (ang pangalang inimbento ko yata.)

I- Indira (In honor of Indira Gandhi)

J- Jopay (para pamatay; malakas na bagyo; mas malakas kay Milenyo

K- Kokey (mala-UFO ang effect)

L- Luningning (feeling ko, gagamitin ang pangalan na ito)

M- Margarita (madrama ang bagyong ito, marunong pang sumayaw)

N- Nonong (Nagamit na ata to.)

O- Oca (Amoy baktol ‘to.)

P- Pida (Wala lang)

Q- Qatar, Qusina, Qulambo, Qare-Qare

R- Rihanna (Bagyo. You need: Umbrella, ella, ella)

S- Salvi (Peace, Padre Salvi)

T- Tita/Tina

U- Ungga (para may local flavor)

V- Vicky

W- Winona

X- Xyrza

Y- Yolanda (tunog senior citizen. mahina lang yan)

Z- Zandra (bigating bagyo yan. mas mabuting wag na lang lumabas ng bahay.)

Second Installment (Cute Boy Alert. Alert, mga tita!)

20 mga puna

Tapos na ang mga dapat tapusin. Kaya naman naghahanap ako ng mga bagay na pagkakaabalahan.

Naisipan kong gawin ang second installment ng Friendster pic picks. Mas maraming pics, mas nakakatuwa(?). Kung hindi niyo nabasa/nakita ang first installment, click to win:

https://bulaboop.wordpress.com/2007/07/28/friendster-pics-picks/

Nagbibisita na ako ng mga accounts sa Friendster. And so far, medyo nakakatuwa ang mga nakikita ko. Nakakaadik nga. Who knows, mapasama kayo sa Hall of Shame ko.

Paminsan, naiisip ko i-update ko yung account ko. Kaso, tinatamad ako. As in. salt. Tulungan niyo naman ako.

Basta promise ko, mas bigatin ang second installment. Malaman, maktas, matinik, mapangahas.

Midterms week pala. Anyway, keber! kering keri ko yan. (ang hangin ko!)

To, By, Of, As

14 mga puna

“Wala na rin pong pasok sa kolehiyo bukas.”

Sweet. Music to my ears.

Hindi pa kasi tapos yung ginangawa kong presentation sa Geography na i-pe-present sana bukas.

Dodong, salamat.

Tin, nasaan ka na?

Babasahin ko ang As You Like it ni William Shakespeare.

Maaadik ako sa Sims. Promise. Better late than never.

Ang baba ng score ko kanina sa duckpin. Hindi ko alam kung bakit.

Corny ang Kokey.

Kapamilya na pala si Megan Young. Does anybody care?

Naaadik kay Hillary Duff with her pamatay na abs.

Ang guwapo ni Mojo Jojo. Kaso bakla.

Marupok na yata ang ngipin ko.

Inis na inis ako sa santol.

Well. Balon.

Yun yun. Sibuyas.

Older Entries