Segway muna: Ang makamandag na block pic namin. May kamukha si Budoy diyan. Yung nakahubad.

e9ed.jpg

Segway ulit: Pagkatapos ng PE class namin, pumunta kami ni Padre Salvi sa Film Center para tignan ang schedule ng Casa ni Asia Agcaoili. Nakita namin si Ramon Bautista, isang aktor, direktor, instructor. Na-starstruck talaga ako kahit ang hitsura ay wala namang pinagkaiba sa telebisyon.

ramonbautista.jpg

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, mistulang pre-req na ang pakikipagsikisikan ko sa MRT para makarating sa paaralang pinapasukan ko. Malamang sa malamang, yun lamang naman ang alam kong sasakyan papunta doon.
Malaki talaga ang impact ng MRT na yan sa buhay natin. Nabawasan ang mga commuter sa bus, jeep dahil mas mabilis ang biyahe. Bumanba ang sales ng mga kotse. Nabawasan ang mga kotse sa EDSA.

Ibabahagi ko ang ilang bagay na nalaman ko mula sa araw-araw na adventures ko sa MRT. Facts, trivias, lahat ng hinanap mo, lahat ay nandito.

December 16, 1999 nang pinasinayaan ni Erap ang MRT. 12 stations lamang ito (Magallanes to North Ave.). Nadagdag ang Taft Avenue noong July 20, 2000.

Ang MRT ay single line lamang na binubuo ng 13 stations na may kabuuang haba na 16.95 kilometers.

Ito ang labintatlong stations: (South Bound to North Bound)

  • Taft Avenue
  • Magallanes
  • Ayala
  • Buendia
  • Guadalupe
  • Boni Avenue
  • Shaw Boulevard
  • Ortigas
  • Santolan Annapolis
  • Araneta Cubao
  • GMA Kamuning
  • Quezon Avenue
  • North Avenue

Bukas ang MRT mula 5:30 am hanggang 10:30 am. Walang MRT tuwing Maundy Thursday at Good Friday.

Bawat station ay may elevator, escalator, mga stalls ng pagkain, load.

Araw-araw, nagpapaulan ng Libre, isang tabloid size na diyaryo na ginawa ng Philippine Daily Inquirer. Libre.

May dalawang uri ng tiket: ang single journey at stored value. Dati, may PhP 200 na stored value, pero na-phase out. Puro PhP 100 na lang.

May G-Pass na rin. Siyempre, hindi rin magpapatalbog ang Smart. Meron naman silang Smart Money Pay Pass. Pero hindi pa ito ina-apply.

Balak ikabit ang MRT sa Monumento (sa lumang LRT).

TRIVIAS:

  • Ang mga trains na ginagamit ay di-nonate ng gobyerno ng Vienna, Austria. Mga second hand trains ito.
  • Tatlong trains na kabit-kabit ang tumatakbo. May capacity ito ng 957 na katao.
  • Approximately, half a million ang sumasakay ng MRT araw-araw.
  • Capacity ng MRT: 23, 000 passengers per hour per direction. 
  • 60 kilometers per hour ang rate ng MRT.
  • Pinakamahaba ang sa pagitan ng Santolan at Ortigas.
  • Pinakamaikli naman sa Boni hanggang Shaw Boulervard.
  • Pinakabusy na stations ang Cubao at Taft.

Pamasahe:

From your origin.

First 3 stations -PhP 10

4-5 stations- PhP11

6-8 stations- PhP 12

9-11 stations-PhP 14

12-13 stations-PhP 15

Walang pamasahe na PhP 13 kasi malas daw yung 13.

ANG MGA STATIONS

Taft Avenue- The second busiest station. Maraming estudyante ang bumababa dito. Pati yung mga papuntang Maynila. Nandito sila.

Magallanes- Hindi ko alam ang station na ito.

Ayala– Bagsakan ng mga pormal na tao. Mga office people. Mini-bagsakan din ng mga saleslady.

Buendia Kapag lumagpas ka sa babaan mo, dito ka bumaba. Promise.

Guadalupe– Maraming bumaba dito pag rush hour. Pinakaboring na station.

Boni– Ano bang alam ko dito? Marami-rami rin ang office people dito.

Shaw Boulevard– Maganda dito kapag gabi. Medyo feel mo na subway ito. Astig na station.

Ortigas– Saleslady station, call center station, office people station. No more, no less.

Santolan– Police station, soldier station. Sobrang layo nito sa Ortigas. Madadaanan pa nga ang isang bangin na malapit sa POEA.  Indonesia ang bagsak mo pag nahulog ka doon.

Cubao– The busiest station. Ever. Marami ring saleslady at office people.

GMA Kamuning- Siyempre madadaanan ang GMA, ang building na may maliliit na poster ng mga shows nila. Pati yung Clear Anti-Dandruff Shampoo wi-nelcome nila.

Quezon Avenue– Dito ako bumaba. Walang masabi.

North Avenue– Kung ako sa inyo, sa Trinoma na lang kayo mag-mall. Kasi kung sa SM North pa, isang malupit na prusisyon ang daranasin mo papunta at pauwi.