Bagong header image, mula sa pelikulang Mr. Bean’s Holiday.

Kapapanood ko lang nito sa pekeng DVD, ang kauna-unahang DVD na binili ko na hindi original. Hirap na hirap akong manood sapagkat lumalandi ang aming DVD player kaya pa-putol-putol ang mga eksena. Pati pagtawa ko paputol, parang installment.

Pinanood ko ito muli, sa computer. Hirap na hirap ako kasi wala namang sounds. Pakiramdam ko bingi ako na tawa ng tawa.

Ang maganda sa Mr. Bean kahit walang tunog maiintindihan mo ang mga ginagawa niyang mga kabalastugan.

Sa mga mambabasa ng blog na ito, lalo na sa naghihintay ng second installment ng Friendster pic pics, mukhang matatagalan pa ang paghihintay niyo. Nahihirapan kasi akong mag-save ng mga pics. Pero, gagawin ko talaga siya.

___

Pansin ko lang. Mukhang mainit na mainit sa mga WordPress bloggers itong si Malu Fernandez. Kung, i-ta-translate ko ito sa aking baluktot na Ingles, “Malu Fernandez is so hot, according to WordPress bloggers.” Hinayupak na English, di ba?

Hindi na ako magsasalita tungkol sa isyu na ito. Tama na.