Better late than never.

Ti-nag ako ni Mithi. Mag-share daw ng walong bagay na tungkol sa ‘yo na di pa alam ng mga bumabasa sa blog mo. Pagkatapos nun, ipasa ito sa walo pang blogger na wala pang ganitong meme.

Actually, may nag-tag na sa akin nito ilang buwan na ang nakalipas sa aking ninunong blog. Pero, hindi ko ‘to ginawa. Ngunit sa ngalan ng dangal at pagpapakapagod ni Mithi, gagawin ko ‘to.

Actually, ayoko talagang magsasagot ng mga ganito. Nabuburaot talaga ako. Pero gagawin ko ‘to.

1. HINDI AKO KUMAKAIN NG BABOY. Hindi naman ako Muslim para di kumain ng baboy, pero ayoko lang talaga. Pero kumakain ako ng hotdog (baboy daw yun) at ng picadillo (giniling na baboy).

2. FEEL KO AKO ANG PINAKAMATALINO PAG DATING SA SPORTS. Pinakamatalino, hindi pinaka-athletic. Feel ko alam ko lahat ng klase ng sport na nag-e-exist sa mundo. Feel ko alam na alam ko lahat sa sports.

3. NAGLULUHO ANG MUNDO KO KAPAG NAKIKITA KO SI JESSICA ALBA. Obviously, di pa nagkikita in person. Pero pag nakikita ko yung hitsura, para akong asong ulol na naglalaway to the max. Kaya nga hindi ako nanood ng Fantastic Four. Mahirap na.

4. GINAGAMIT KONG DENTAL FLOSS ANG KUKO. Ang dugyot ko pala. Nagguggupit ako ng kuko, tapos yung ginupit na kuko, ipapasok ko sa pagitan ng ngipin ko.  

Oh siya, shine na. Part 1 pa lang yan. Pinaglalaway ko lang kayo. As if…