Susunod! One liner na pinauso ni Boy Abunda.

Na pinauso ko sa school noong nasa high school pa ako. Akala ko baduy yun, pero alam pala ito ng maraming estudyante. Ayaw lang nilang aminin na nanood sila ng The Buzz. Kumbaga, mga discreet viewers sila. Mga kloseta. In denial.

Fourth year ako noon. Kasama ako sa student government ng school namin. (hindi mataas ang posisyon ko). Isa sa mga ginagawa namin ay ang pag-o-organize ng intramurals o sports fest.

Malaking bagay ang intramurals sa school namin. Malaking katuwaan, kadramahan yun sa amin. No classes. Unhealthy competition. Walang kamatayang recycled cheers. Undying spirit ng mga mag-aaral. Losers. Winners. Kung gusto niyo masaksihan lahat ng emotions, pumadpad lang kayo sa intrams.

This time, hindi lang ako ordinaryong mag-aaral na mag-chi-cheer para sa batch namin. Isa ako sa mga organizers ng “big event” na ito sa school namin. Kelangan kong mag-organize ng mga schedule ng games. Kelangan kong tumulong sa pag-aayos ng school para dito. Kelangan kong mamili ng kung anu-anong gamit para sa intrams. Kelangan kong kainin ang pagkain na bigay sa amin ng sponsor. Itago natin ang sponsor na tinutukoy ko sa pangalang Greenwich.

Pero meron pa akong isang gagawin na kakaunti lang ang makakagawa nito: ang maging announcer, commentator sa mga games.

Pag sinabing commentator kasi, sa pananaw ko, sila yung mga taong salita ng salita habang naglalaro ang mga players. Para sa akin, di sila pinapansin. Kasi naman, ang lalim ng mga terms na pinagsasabi nila. Halos hindi na maintindihan.

For example:

(Setting: Isang UAAP game)

Announcer: Number 17 clutched in an 18-footer.

Sa madaling sabi: Naka- three points si number 17.

Pero, sa school namin, hindi ganito ang deal. Napakaliit ng school namin kaya ang announcer/commmentator na nangingibabaw ang boses ay talagang pinapansin. Bawat salita, tinututukan.

Wala akong second thoughts na tanggapin ang pagiging commentator. Sa totoo lang, ine-expect ko na ‘to since noong previous intramurals pa. During that time, napakagaling talaga ng commentator. As in (Salt). Hands down ako sa kanya. Nakakatuwa talaga siya. Iniisip ko noon, “Sino kaya ang magiging commentator next year? Sa palagay ko, ako ang best possible choice.” Without any reason at all, sinabi ko yun. Well, nangyari na nga ang dapat nangyari.

Intrams is a five-day event. May sipon ako noong first day. As in, while doing the job, todo ang singa ko. Pinaparinig ko pa nga yun sa microphone. Nakakairita talaga pag may sipon. Every moment, kelangan mong bantayan mo ang ilong mo kung may tumagas na likido. Nakakainis kasi intense na talaga ang moments ng volleyball noon pero tuloy pa rin ang pagsinga ko. Nakita pa nga ng iba na tumutulo na ang uhog sa ilong ko.

Napaos ako kaagad on the first game I commented. Pano ba naman kasi, sigaw kasi ako ng sigaw kahit exhibition match pa lang yun. Wala pa nga ang tunay na competition, wala na akong boses.

On that first game, “nagpauso” kuno ako ng one liner:

“Rice in a box, sulit na sulit, kuwarenta pesos lang!”

By the way, nag-sponsor din kasi ang Rice in A Box sa event na yun. Bigla ko na lang nasabi yun. Gutom lang yata ang nag-force sa akin na sabihin yun. Throughout the Intramurals, sinasabi ko yung one-liner pero never akong binigyan ng libreng Rice In A Box kahit kaawa-awa na ang boses ko yun.

Natawa ang mga teachers noon kapag sinisigaw ko yun. Mas natuwa ako nang ginagaya na ito ng kapwa estudyante ko. At everytime na nakakasalubong ko yung mga nakakabatang schoolmates ko, they are like… parang… saying it to me. Honestly, akala ko iniinsulto ako. Pero, I realize, they admire me. Kapal talaga ng mukha ko.

Being announcer/commentator was totally fun. Natutuwa ako kapag nakikita kong tumatawa sila sa mga banat ko. Ang dami kong naging fans. Maraming lumalapit sa akin na mga freshmen at kinakausap, “pinupuri” nila ako. Alam nga nila pangalan ko though never ko itong minention kahit isang beses sa madla. Last Christmas nga, may natanggap akong regalo from those younger schoolmates. Nakakatuwa kahit di kami close, may natatanggap ako from them unexpectedly. Siyempre hindi ko puwedeng tanggihan yun. Sayang naman, di ba?

Last week, ginanap ang intrams sa school. This time, wala na ako. Tsinugi ako matapos makumpleto ang curriculum sa loob ng apat na taon. Pumunta ako doon para manood. Natuwa ako na inalok nila ako na maging announcer. Nakakatuwa na inalok ako. It means na gusto nila ako at ang style kong ngarag.

Pero, mariin ko itong tinanggihan. Intrams nila ‘to. Tapos na ang panahon ko. I’ve made my mark. (English yun)