Tapos na ang unang semestre sa aming pamantasan. Ngunit, sa teknikal na aspeto, hindi pa sapagkat sa susunod na linggo naman isasagawa ang sandamakmak na finals sa iba’t-ibang asignatura.

Anu’t ano pa man, tapos na ang mga klase ko. Ibig sabihin, di ko na makikita ang ilang taong nakasama ko sa unang apat na buwan ko sa kolehiyo.

Isa na nga sa kanila ang propesor ko sa Heograpiya.

Noong una ko siyang makita, napagkamalan ko siyang kaklase namin. Nakaupo kasi ako sa harapan nang siya ay pumasok at sinabi kong:

” Doon sa likod, bakante pa. Wala pa yung prof natin. “

Nabigla ako. At malambing niyang sinabi;

” Magsibalik na kayo sa upuan at magsisimula na tayo. “

Walang hiya. Anak ng tokwa, tinapa, putakte at ina at ama mo. Siya pala ang prof namin. Mukha lang talagang estudyante. Natawa lang ang mga katoto ko nang malamang prof namin siya.

Unang araw pa lang, na-binggo niya ako. Pilosopo daw ako. Mga banat ko ba naman kasi.

Gaya ng sa ibang prof ko, gumawa ako ng mga hula tungkol sa kanya.

Siya ay:

  • Nagyoyosi (ng sigarilyo, malamang).
  • Adik sa computer games.
  • Hindi na virgin.

Isa sa mga napansin ko eh meron siyang “dimple” sa cheeks. Hindi ko ma-explain. Pakita ko na lang.

portrait.JPG

Pasensiya na sa drawing. Parang ganyan siya kapag ngumingiti. Parang wrinkles.

Isang araw, pagkatapos ng klase namin, nakita ko siya sa labas. Humihithit ng yosi. Tama ang hinala ko. Tapos nakita ko, ang itim ng gilagid niya. Sobrang itim.

Di ko namalayan, huling araw na pa lang ng klase namin noong Huwebes. Sa loob-loob ko (sa bituka at baga ko), napakalungkot ko.

Hilig ko kasi talaga ang Heograpiya. Tanungan nga niya ako kung saan ang saan.

Prof: Saan yung Solomon Islands?

Tim Ang: Sa Oceania. Malapit sa Australia

Prof: Saan yung Aruba?

Tim Ang: Sa Carribean

Prof: Eh yung Comorros?

Tim Ang: (Napaisip) Maam, sakay kayo ng jeep papuntang Katipunan. Tanong niyo kung sa mga tambay doon kung saan yung Kumoros.

Ipagpatawad ninyo ang aking kabibuhan.

Pagkatapos ng klase namin noong Huwebes, tinanong niya kami kung paano i-download ang Mystery Files na hindi napuputol.

Dahil doon, napatunayan kong adik talaga siya sa computer games. Tapos nakita ko pa yung desktop ng hebigat niyang laptop puro games yung nandoon. Warcraft, Jewel Quest, Mah Jong, Gutterball, Audition.

Isa sa tatlong prediksyon ko ang di ko napatunayan: Yun ay kung hindi na siya virgin. Mahirap kasing itanong. Baka masopla pa ako.

Sa totoo lang, masaya ang klase namin sa Heograpiya kahit sabi mo kami ang pinakamagulo, kami ay parang high school. Alam naman namin, masaya ka sa klase. Ayaw mo lang aminin. In denial.