Oo. Laspag na nga ang katawan ko. Sobrang pagod ako kahit sem break namin sa Unibersidad ng Pikachu. May pinagkakaabalahan kasi ako na talagang uber demanding.

Kahit laspag na ang katawan ko, di pa rin nalalaspag ang mga taba ko sa katawan.

Nakakainis na nga. Lakad na nga ako ng lakad, hindi pa rin natatapyas ang mga taba ko.

Kapag tinatanong ako noong bata ako kung bakit ako mataba tapos sabay pisil sa malinis kong mukha at malambot na braso, nasasaktan at natatawa ako.

Malamang ngayon, wala ng pumipisil sa pisngi at braso ko. Pero pag tinatanong ako kung bakit ang taba ko, sinasabi ko:

Kasi sabi ng doctor, mabagal daw ang metabolism ng katawan ko, kaya naiipon ang taba sa katawan ko.

Alam kong isang malaking palusot yun. Pero yun talaga ang sinasabi ko. Napapanganga na lang sila sa sagot. Wala kasi silang ipambabara sa metabolism.