Ngayong araw ang official start ang kampanya para sa Barangay Elections. Kaninang 11:59 PM natapos ang filing of candidacies.

Cliche as it may sound (cliche na rin ‘to), napakasayang event ang elections sa atin.

Teka, may barangay elections pa sa ibang bansa gaya ng Tuvalu, Aruba, Ivory Coast at sa ka-level nating United States? Kung meron man, hindi ito kasing-ingay sa atin. Siguro sa kanila, gumagamit pa sila ng umalohokan (announcer sa katutubong Pilipino) para mangampaya. Walang mga banners, streamers, stickers, and other ers.

Kumbaga sa technology, napaka-advanced na natin sa elections. Kaninang10:00 ng gabi, lumabas ako. Naghahanap ako ng mga taong may mga hawak na pandikit at papel, tarpaulin, banner. Aba, walang hiya. Bawat poste sa amin ay mayroong nakapuwesto na dalawang lalaki. Isa ang may hawak ng: Vote!!! Pwet Vera. Isa naman ang may hawak ng Tupperware na may laman ng pandikit na gawa sa gawgaw. Aba’y akalain mo nga namang hinihintay nila talaga ang 12:00 am. Pero, sa kabilang poste, nakadikit na nga ang poster. Nainip na kasi.

Speaking of posters, meron ng template ng mga posters ng kandidato sa Pilipinas. Panis, di ba?

Heto siya.

poster.JPG

Kung mapapansin niyo, yung vote laging naka-diagonal tapos tatlo lagi ang exclamation point.

Tapos buong lineup nila ilalagay. Kung mapapansin niyo, merong mga nicknames na pang-attract ng botante gaya ng “baby” Usually, mga matatanda (as in) ang gumagamit ng nickname na “baby”

Nakalagay naman sa baba ang walang kamatayang linya na:

“Vote straight!!!

Vote (name ng partido)!!!

Kung mapapansin niyo, kulang ang isang exclamation point sa mga posters, kaya ginagawa nilang tatlo.

Sa babang-baba ng “election poster made only in, by, for the Philippines”, nakalagay ang donated by friends of (name ng partido) or donated by friends of (name ng candidate).

Actually, before campaign period, marami na ang nagpaparamdam na multo na mga kandidato. Halimbawa, namimigay sila ng t-shirt tapos nakalagay ang lineup nila pero siyempre di pa nakalagay ang Vote!!!

Actually, may pumunta sa aming isang partido sa SK. Sabi nila. Itago natin ang partido sa pangalang Chekwa.

Chekwa: Magandang umaga po! Meron po ba sa inyo ang hindi nagpapabakuna sa tigdas?

Tim Ang: (kamot sa ilong) Ay oo. Yung bunso namin. Babakunahan niyo ba?

Chekwa: Ganun na nga sana. Ok lang ba?

Tim Ang: (Nag-isip) Sino yung magbabakuna?

Chekwa: Heto po si Louie. 1st year Nursing student po siya sa Taint Looks.

Tim Ang: (Nagpalusot) Ay, Nursing din ako. Third year sa University of Pikachu- Manila.

Chekwa: Ay sige, alis na kami.

Linsiyak naman. Nursing student pa lang, nagbabakuna na? Take note: Freshmen siya. Malamang sa malamang, wala pang alam masyado yan, di ba? Linsiyak talaga. Buti na lang, di ako nauto.

*PS: Ganda ng drawing ko. Yung poster sa taas. Kamukha nung sa Rugrats. Kamukha rin nung sa 7 Up.