November na naman. So what?

november_2007.gif

Sa aking napapansin, ang November ang buwan na wala lang para sa karamihan. Pano ba naman kasi pagkatapos ng November, eh December na, ang sinasabing pinakamaligalig na buwan.

Eto kasi ang perception ng tao sa mga buwan.

January– First month yan. Magbabagong buhay ang mga tao kasi nga nag-New year’s resoluiton, di ba?

February– Kahit maikli ang buwan na yan, nakakakilig naman. Showing ang mga love stories sa pelikula (e.g. Bukas Kita Mamahalin; Magpakailanman; It is Love; Kokey; The Cocoy Mondragon Rape Story). Tapos, JS Prom pa (kadiri).

March– Graduation time yan. Madrama to.

April and May– Bakasyon galore yan.

June– Resume of classes. Matrapik na naman sa Katipunan at Greenhills.

July– Maulan yan. Ansarap ng buhay sa panahong yan. Walang pasok paminsan.

August– Buwan ng Wika (?). Maraming may birthday nyan.

September– Marming may birthday din diyan. Maraming palibre. Maraming pakain.

October– UN Day. Parada galore na naman yan ng mga bata. Tapos Halloween din. Marami-rami rin ang may birthday diyan.

November– Next month please.

December– Balita ko, ililipat ni GMA yung Pasko sa Lunes. Pati raw yung New Year, Lunes na lang.

Kung mapapansin niyo, ang mga holidays sa November ay first and last day lang: November 1 at November 2 tsaka November 30, which is Bonifacio Day, na malamang sa malamang ay iuusod ni PGMA sa Lunes. Haha.

Naaawa lang talaga ako sa November. Siguro kung magkakapatid ang mga months, malamang November ang blacksheep, left-out, istupido at kung ano pa man ang gusto mong itawag sa kanya. Siya siguro yung pinagtutulungan nila January, February hanggang December.

Noong unang panahon, nang nagpaulan ng mga holidays, natulog ang November kaya wala siyang nasalo. Pero, naawa ang Santo Papa kaya dineclare niya na gawing All Saints Day ang November 1 at All Souls Day ang November 2.

Dahil hindi nagpapataob ang mga Pilipino, binigyan din nila ng holiday ang November. Ipinasadya ni Catalina Bonifacio sa kumadrona na ilabas sa kanyang puwerta si Andres Bonifacio sa huling araw ng Nobyembre. Kahit kulang ng ilang linggo, at hindi pa uso ang incubator noon, natuto nang humawak si Andres ng tabak at magpunit ng sedula. Sa di inaasahang pangyayari, naging bayani siya dahil nakadikit niya si Apolinario Mabini sa 10 peso bill.