Dont judge a book by its cover. Pero, hindi libro ang One More Chance.

Manonood ako ng One More Chance sa Sunday.  And so?

Hindi ako na-e-excite o wateber abawt da pelikula. Basta magbabayad ako sa ticket booth, papakapkap sa sekyung manghihipo, uupo sa upuan (malamang, saan pa ba ako uupo?) sa madilim na sinehan. Kakain. Manood. Tapos. Ganun lang ka-simple.

Sabi ng mga nakanood, maganda daw. Sabi sa tv, “sarap ulit-ulitin”. Sabi ng artista “naiyak ako.” At sabi sa tabloid, “Two thumbs up.” Pero, keber ako sa kanila. Bahala na kung aagos ang luha sa mata ko,  tutulo ang uhog sa ilong ko, at kung makikipaglaplapan ako sa makakatabi ko sa sinehan.

Basta manonood ako.

Masyado lang ako naiinis sa sobrang promotion ng pelikula. Masyado kasing dumepende sila sa mga one-liners ng pelikula. Kaya kapag naririnig ko na ginagaya ‘to ng mga tao, parang gusto ko silang batukan. Wala lang. Gusto ko lang.

Kapag tinatanong sila (yung ibang mga nakanood), kung anong masasabi nila sa pelikula, ang sinasagot nila ay “She lab at me at my beast, she lab me at my whores.”..and the rest is history na nga.

Basta, ito na ang huli niyong maririnig(?) na One More Chance mula sa akin.

Tama na. Sobra na. Palitan na (ang lampin ni Baby James).