(Disclaimer: Maseselan na litrato ang iyong makikita. Patnubay ng magulang, hindi na kailangan. Baka kasi atakihin sila sa puso. Sariwang-sariwa pa ang ilan sa mga ito. Kaya bili na. Kung may angal, hala sige, manahimik, wala kang uwang dito. Ito ay ginagawa ko sa ngalan ng entertainment at pera, play money to be exact. Kung ayaw niyong mapabilang dito, burahin niyo na lang ang account ninyo.)

Napag-isip-isip ko na gawing special edition ito tungkol sa buhok. Crowning glory daw kasi natin ang ating buhok.Β  Ito ang nagpapaliwanag kung bakit isang pulubi si Bembol Roco at naging hari mula sa pagiging pulubi si Mark Gil.

Tama na ang satsat. Alam ko namang mga litrato lang naman ang habol niyo.

+

+

+

Salamaat sa Standard Electric Fan. May epeks na ang hair ko.Β  With matching sepia effect.

Heto, isa pang electric fan epek.

Kung hindi ka pa nauumay sa electric pan epek, heto pa. May kasamang dog pa yan, para sa mga pet lovers.

Kung utwa na kaso sa PEPE (pamatay na elektik pan epek), ito naman ang buhok na di nahinganan.

Kapag magpapapikyur, siguraduhing gawin ito limang oras pagkatapos maligo.

The Wet Hair Epek.

Naiingit si Bembol Roco!

Buhok across my face 1.

Buhok across my face 2.

Nagtitipid na ako sa litrato. Natatakot kasi ako na maubusan ng mga piktyurs. Alam niyo na, mahirap na, parang bigas.