Nakakabwisit yung bisita/kamag-anak namin. Utang igit.

Lahat na ng mura na alam mo, lalabas sa bunganga mo. Kahit yung foreign mura, lalabas kahit wala kang alam kundi uno, dos, tres.

Sabihin ba namang ang seksi niya (hindi siya nagbibiro sa tono niya). Eh tucha amador naman, halos kasing lapad na siya ng drum ng kapitbahay namin. At ang braso, pwede ko nang higaan. Kahit magsama pa ako ng isang babaeng puta.

Nakalimutan ko palang sabihin na may kasama pala siya. Yung siyota. Halos ipagmalaki niya na matangkad, matangos ang ilong at siyempre, gwapo.

Utang igit, akala ko kung sinong kargador yung kasama niya. Maikli ang leeg tapos parang nilamon ng nakaraan yung ilong niya. Yung tipong sidekick ng isang sidekick.

Hindi ko naman pinoproblema ang hitsura. Kahit na perpekto ang tingin niyo sa akin, may flaws din ako. Ang sa akin lang, wag kang magyayabang kung wala ka namang ipagyayabang. Utang na loob.

Hindi pa tapos natatapos diyan ang kuwento. Nakinood pa yung lalaki ng PBA sa amin. Sira pa naman yung isang tv namin, kaya no choice kung hindi ilipat namin sa PBA yung tv. Eh, nanoood kayo. Alam ng nanay ko, na giyera ang kahihitnan nito kapag inagaw sa akin ang tv.

Pero, nagtimpi ako. Ayon kasi sa kasulatan, pagbigyan mo na ang mga taong ipinagkait, lalo na yung mga galing sa puwet.

Inis na inis na talaga ako. Malapit na akong makasapak.