Matagal akong nawala. Pumunta kasi ako sa probinsiya. Hindi ako maka-update, hindi dahil sa walang Internet connection, kundi ang mahal. Pumapatak ng bonggang-bongga na kwarenta pesos ang kada oras ang pagrerenta sa computer shop. Kaya kinalimutan ko muna ang blog ko pansamantala.

Heto ang aking sandamukal na dahilan ng aking pagkawala. Mamili na lang kayo.

Ala-estudyante: Field trip po.

Ala-pulis: May surveillance kami dun.

Ala-sundalo: May giyera doon.

Ala-bumbero: May sunog doon.

Ala-businessman: May business trip ako.

Ala-laos na musician: Naghahanap ako ng gig.

Ala-laos na artista: May piyesta dito at special guest ako.

Ala-emo: Hinahanap ko ang sarili ko.