Maraming nagtataka kung bakit nauuna si Jojo Binay sa vice presidential race. Kahit si Binay mismo nagtataka. Pero merong isang tao ang hindi: ako yun.

Kasi naman, inendorse ko siya. Oo, siya ang bet ko. Nautusan ko lang ang aking amuyong na si Chiz Escudero na i-endorse niya si Binay kasi pa-humble effect ako. Ayoko ng spotlight. Ayokong makita sa tv.

Inaamin ko, ako ang nagpapanalo kay Binay. Nagpapakahumble lang ako. Wag niyong ipagkakalat, ha?