Ngayon ko lang na-realize na hindi maganda ang boses ko.

Ayoko ngang marinig ang boses ko. Pero dahil wala akong magawa, ni-record ko na lang ang boses ko.

Dude, pare, dude, ang pangit talaga.

Dudette, mare, dudette, ang pangit pangit talaga.

Ang weird ng tunog, parang hindi boses ng tao.

Eh madaldal pa naman ako, so baka naiirita na rin siguro yung mga kinakausap kong mga tao.

Akala ko pa naman dati, maganda ang boses ko. Pero hindi pala. Akala ko pwede ako sa radio. How sad.

Mas maganda pa nga ang boses ko pag may sakit ako eh. Modulated siya, para kang nakikinig ng AM radio.