Announcer, Commentator, Icon, Legend

13 mga puna

Susunod! One liner na pinauso ni Boy Abunda.

Na pinauso ko sa school noong nasa high school pa ako. Akala ko baduy yun, pero alam pala ito ng maraming estudyante. Ayaw lang nilang aminin na nanood sila ng The Buzz. Kumbaga, mga discreet viewers sila. Mga kloseta. In denial.

Fourth year ako noon. Kasama ako sa student government ng school namin. (hindi mataas ang posisyon ko). Isa sa mga ginagawa namin ay ang pag-o-organize ng intramurals o sports fest.

Malaking bagay ang intramurals sa school namin. Malaking katuwaan, kadramahan yun sa amin. No classes. Unhealthy competition. Walang kamatayang recycled cheers. Undying spirit ng mga mag-aaral. Losers. Winners. Kung gusto niyo masaksihan lahat ng emotions, pumadpad lang kayo sa intrams.

This time, hindi lang ako ordinaryong mag-aaral na mag-chi-cheer para sa batch namin. Isa ako sa mga organizers ng “big event” na ito sa school namin. Kelangan kong mag-organize ng mga schedule ng games. Kelangan kong tumulong sa pag-aayos ng school para dito. Kelangan kong mamili ng kung anu-anong gamit para sa intrams. Kelangan kong kainin ang pagkain na bigay sa amin ng sponsor. Itago natin ang sponsor na tinutukoy ko sa pangalang Greenwich.

Pero meron pa akong isang gagawin na kakaunti lang ang makakagawa nito: ang maging announcer, commentator sa mga games.

Pag sinabing commentator kasi, sa pananaw ko, sila yung mga taong salita ng salita habang naglalaro ang mga players. Para sa akin, di sila pinapansin. Kasi naman, ang lalim ng mga terms na pinagsasabi nila. Halos hindi na maintindihan.

For example:

(Setting: Isang UAAP game)

Announcer: Number 17 clutched in an 18-footer.

Sa madaling sabi: Naka- three points si number 17.

Pero, sa school namin, hindi ganito ang deal. Napakaliit ng school namin kaya ang announcer/commmentator na nangingibabaw ang boses ay talagang pinapansin. Bawat salita, tinututukan.

Wala akong second thoughts na tanggapin ang pagiging commentator. Sa totoo lang, ine-expect ko na ‘to since noong previous intramurals pa. During that time, napakagaling talaga ng commentator. As in (Salt). Hands down ako sa kanya. Nakakatuwa talaga siya. Iniisip ko noon, “Sino kaya ang magiging commentator next year? Sa palagay ko, ako ang best possible choice.” Without any reason at all, sinabi ko yun. Well, nangyari na nga ang dapat nangyari.

Intrams is a five-day event. May sipon ako noong first day. As in, while doing the job, todo ang singa ko. Pinaparinig ko pa nga yun sa microphone. Nakakairita talaga pag may sipon. Every moment, kelangan mong bantayan mo ang ilong mo kung may tumagas na likido. Nakakainis kasi intense na talaga ang moments ng volleyball noon pero tuloy pa rin ang pagsinga ko. Nakita pa nga ng iba na tumutulo na ang uhog sa ilong ko.

Napaos ako kaagad on the first game I commented. Pano ba naman kasi, sigaw kasi ako ng sigaw kahit exhibition match pa lang yun. Wala pa nga ang tunay na competition, wala na akong boses.

On that first game, “nagpauso” kuno ako ng one liner:

“Rice in a box, sulit na sulit, kuwarenta pesos lang!”

By the way, nag-sponsor din kasi ang Rice in A Box sa event na yun. Bigla ko na lang nasabi yun. Gutom lang yata ang nag-force sa akin na sabihin yun. Throughout the Intramurals, sinasabi ko yung one-liner pero never akong binigyan ng libreng Rice In A Box kahit kaawa-awa na ang boses ko yun.

Natawa ang mga teachers noon kapag sinisigaw ko yun. Mas natuwa ako nang ginagaya na ito ng kapwa estudyante ko. At everytime na nakakasalubong ko yung mga nakakabatang schoolmates ko, they are like… parang… saying it to me. Honestly, akala ko iniinsulto ako. Pero, I realize, they admire me. Kapal talaga ng mukha ko.

Being announcer/commentator was totally fun. Natutuwa ako kapag nakikita kong tumatawa sila sa mga banat ko. Ang dami kong naging fans. Maraming lumalapit sa akin na mga freshmen at kinakausap, “pinupuri” nila ako. Alam nga nila pangalan ko though never ko itong minention kahit isang beses sa madla. Last Christmas nga, may natanggap akong regalo from those younger schoolmates. Nakakatuwa kahit di kami close, may natatanggap ako from them unexpectedly. Siyempre hindi ko puwedeng tanggihan yun. Sayang naman, di ba?

Last week, ginanap ang intrams sa school. This time, wala na ako. Tsinugi ako matapos makumpleto ang curriculum sa loob ng apat na taon. Pumunta ako doon para manood. Natuwa ako na inalok nila ako na maging announcer. Nakakatuwa na inalok ako. It means na gusto nila ako at ang style kong ngarag.

Pero, mariin ko itong tinanggihan. Intrams nila ‘to. Tapos na ang panahon ko. I’ve made my mark. (English yun)

Advertisements

Ang Trulalu na Muyprend, Hindi Eklavu

3 mga puna

This is what a true boyfriend does..

• Grab her neck when you kiss her, it’s
a real turn on.
• Stay on the phone with her even if
shes not saying anything.
• When she’s mad hug her tight and
don’t let go then kiss her
• When she says she’s okay don’t
believe it talk with her
• Because 10 yrs later she’ll remember
you
• Call her at 12:00am on her birthday
to tell her you love her
• Call her before you sleep and after
you wake up
• Treat her like a she’s all that
matters to you.
• Tease her and let her tease you back.
• Stay up all night with her when she’s
sick.
• Watch her favorite movie with her.
• Give her the world.
• Let her wear your clothes.
• When she’s bored and sad, hang out
with her.
• Let her know she’s important.
• Kiss her in the pouring rain.
• When she runs up at you crying, the
first thing you say is;
“Who’s ass am I kicking babe?”

Fearless Forecast: UAAP Cheerdance Competition

11 mga puna

Ilang oras na lang, gaganapin na ang UAAP Cheerdance Competition.

Ang cheerdance ay hindi isang simpleng contest lamang. Pride ng mga universitites at students ang pinag-uusapan dito.

Four-time defending champions ang UST. Siyempre, gusto nilang ituloy ang streak nila.

Hindi naman papayag ang University of the Philippines. Gusto nilang mabawi ang title from UST. Gusto rin nilang bumawi pagkatapos ng winless season ng basketball team ng Fighting Maroons.

Hindi rin papayag ang remaining schools gaya ng La Salle, Ateneo. FEU na maging two-man horserace ang cheerdance championship.

Pero ito ang aking fearless forecast. Top three lang.

3rd place: 87%

200px-dlsu_logo_clear_background.png

De La Salle University– Mukhang formidable ang squad nila but not enough to win the title.

2nd place: 92%

ustlogo.jpg

University of Santo Tomas. I don’t think makukuha nila ang five peat.

1st place: 93%

200px-up-l1.png

University of the Philippines. They might pull off something special.

Let’s wait and see na lang mamayang hapon kung tama ang prediction ko.

Subic, Here I Come

4 mga puna

Pupunta ako bukas sa Subic… para mag-kape.

 sunset_at_subic_bay2.jpg

Girl: Saan yung Subic?

Boy: Ayun o. 

Kailangan kong magising ng sobrang maaga.

Magdadala ako ng pasalubong.

Oh siya, mag-byu-byuti rest pa ako.

unggoy.jpg

Makikita ko na sa wakas ang aking long-lost brother.

 

 

 

PS: Hindi po babae si Tim Ang. 

Famous Alumni of… Part III

8 mga puna


Sa mga di nakakaalam, ito ay kabilang sa series ng mga posts ko tungkol sa mga sikat na mga alumni ng mga tanyag na klehiyo sa bansa:

Sa mga di pa nakakabasa, ito ang unang dalawa sa serye (parang nobela)

At heto naman ang pangatlo: ang University of the East. Ang post na ito ay pagbibigay pugay sa basketball team ng UE Red Warriors nang ma-sweep nila ang elimination round sa UAAP. Dahil naka-sweep ang UE, natalo ako sa isang pustahan. Akala ko kasi matatalo sila ng La Salle.

ue.jpg

Government

noli.jpgmacapagal.jpg

magsaysay.jpglim.jpg

  • Noli de Castro- Vice President, Republic of the Philippines, former Senator (CBA Manila, BSBA 1971)
  • Diosdado Macapagal- Former President, Republic of the Philippines, Honoris Causa, Doctor of Laws, 1957
  • Ramon Magsaysay- Former President, Republic of the Philippines, Honoris Causa, Doctor of Laws, 1957
  • Alfredo Lim- Mayor, Manila, CBA Manila, BSBA 1951, LLB 1963), conferred Honorary degree Doctor of Laws, (Honoris Causa) in 2001

Arts

  • Virgilio Almario- National Artist for Literature (Bachelor of Arts)
  • Joey Gosiengfiao- Movie director, directed the movie Lipad, Darna, Lipad!

Entertainment and Media

nene.jpgtulfo.jpg

imelda-small.jpgricky_lo.jpg

  • George Canseco- song composer, AB Journalism
  • Fernando Poe Jr.- dubbed as Da King of philippine action cinema, (H.S. 2nd year)
  • Charito Solis- veteran actress
  • Nene Tamayo- winner, Pinoy Big Brother Season 1
  • Claire dela Fuente- veteran singer
  • Quinito Henson- sportscaster
  • Imelda Papin- singer
  • Rez Cortez- actor
  • Erwin Tulfo- TV host, newspaper columnist
  • Mon Tulfo- TV host, newspaper columnist
  • Ricky Lo- showbiz columnist

Sports

yap.jpgjawo.jpg

  • Robert Jaworski- basketball legend
  • James Yap- asawa ni Kris Aquino
  • Dindo Pumaren- coach, UE Red Warriors
  • Franz Pumaren- coach, De La Salle Green Archers
  • Derrick Pumaren- coach, Talk and Text Phone Pals
  • Nelson Mariano II- fifth RP chess grandmaster

Luciano Pavarotti, 71

4 mga puna

luciano.jpg

LUCIANO PAVAROTTI, 71

(1935-2007)

Sinong nagsabing swerte ang 8?

43 mga puna

Medyo nakakaraos na ako sa mga gawaing paaralan. Medyo pa-bondying-bondying pa, nakatutok sa harap ng computer, at nakikinig sa Me, Myself and I ni Beyonce.

Naalala ko ‘tong kanta kanina. Sumali kasi ako sa isang contest sa aming paaralan para sa mga freshmen. Dahil sa tawag ng kalikasan, sumali ako. Ito ang unang sinalihan kong contest sa kolehiyo. Isang Math contest ang sinalihan ko.

Nang mag-pa-pa-register na ako kanina, nagtataka ako kung bakit sobrang dami ng sumali. Tinanong ko ang isang ate nagka-blue na obviously ay isa sa mga organizers ng event. Ayon sa kanya, pwede raw ang tatluhan at dalawahan. Eh ano bang malay ko na may ganung epek pa ang contest. Basta ako solo. Kung manalo man, tiba-tiba. Walang kahati.

Tinanong ako sa registration kung ano raw ang gusto kong group name. Nag-reply ako bigla: “Ate, kamusta ka? Pa’no ako magkakaroon ng group name, eh solo nga po ako.” Kaya naman, si ate na lang ang nag-isip ng “group name” ko: “Team Ko”. Sobrang kadri, di ba? Halatang pinag-isipan.

Siyempre, nagkaroon ng eliminations. Unang tanong pa lang, nilagpasan ko na. Nilaktawan ko ang sumunod. Tapos, nasa kabila page na ako. Tapos, last page na pala, at wala pa rin akong nasasagutan. Dinugo talaga ako sa sobrang hirap. Kaya naman naisipan kong sight seeing. Nakita ko ang aking schoolmate na uber galing talaga. Hands down ako sa kanya. Nakita ko rin ang isa kong kalaban noong high school. Hindi ko akalain na magaling pala siya sa Math. May nakita akong asungot na mukhang bangag. Naligaw ata. Meron naman na parang nag-tatalumpati dahil sobrang lakas ng pagbasa niya ng problem. Kahit sino pa ang nakita ko, wala akong makitang sagot.

Basta, makalipas ang dalawang oras, ipinasa na ang papel. May mga nasagutan naman ako pero “dugo at pawis” talaga ang effort ko sa pag-so-solve nun. Bumalik daw kami after one hour and half para malaman kung sino ang top 16 na makakapasok sa quaterfinals.

Sumabay ako sa mga schoolmates ko nung high school para kumain. Pinag-uusapan nila ang mga sagot sa mga questions. Samantalang ako, unga lang ng unga at napa-“ganun ba” na lang sa mga pinagsasabi nila. Samakatuwid, hindi na ako umaasa pa na makapasok sa top 16 na yan.

Pero dahil sa kakapalan ng aking mukha, bumalik ako para makita ang resulta. Actually, napaaga ako ng dating dahil sobrang excited.

Pumunta lang ako sa CR para maglabas ng “sama ng loob”, at noong pagbalik ko nakadikit na ang resulta.

Sa di inaasahang pangyayari, nasabit ang “Team Ko”, pangalan ng team ko, sa top 16. Samantalang ang mga schoolmates ko ay di nakapasok.

Quarterfinals. Hinati ang 16 teams sa apat na groups. Tapos kung sino yung top 2 sa group, pasok sa semis.

Ayun. Nasa Quarterfinal 2 ako. Group of Death kuno ito. Sa apat na grupo, ako lang ang solo. Lahat sila trio. So ayun, yung mga pipol naghihiyawan.

Unang dalawang tanong, dinugo ako. Wala pa naman akong kasama. Kausap ko, sarili ko.Tapos, yung third question, nasagutan ko. Palakpakan ang tao. Kasi, nasagutan ko agad.

4 points yun. Leading ang group 1 by far away 18 points. Tapos, the other groups were scoreless. So ibig sabihin second ako at pasok sa semis. Until…. (The question is worth ten points)

“What is the 10th digit of the product of 13452094452423 and 125?”

Di ko sure yung number nakalimutan ko na, basta. So, ako todo-solve. Yung isang grupo na scoreless pa,

Ui, hulaan na lang natin. Kahit anong number from 0 to 9. Baka tumama. May probability na 1/10 na tama ang wild guess natin.”

Tapos, pinundot nila ang buzzer, nagsalita ang isa sa kanila,

“8”

Sabi nung host,

” Your answer is correct”

Hiyawan sila. At ako naman ay nadagundong. Sa lahat pa ng number na pwede nilang banggitin, eh yung tama pa ang nasabi nila. Linsiyak naman.

Pagkatapos nun may 2 questions pa. Di ko siya kinaya. Ayun, nag-third ako sa group. Di ako nag-qualify sa semis.

Okay lang naman sa akin yun. Di ko naman talaga in-expect na makakatungtong ako sa quarterfinals. Natawa pa nga ako after all.

May premyo naman ako: gift certificate sa TGI Fridays. PhP 500 off for PhP1000 worth of food purchase. Pampalubag loob. Aanhin ko naman yun kung wala naman akong pera para lumamon sa TGI Fridays?

 

P.S.    1. Mithi, ginagawa ko pa yung ti-nag mo sa akin. Ang hirap mag-isip talaga.

          2. Yung mga links nilipat ko na sa isang page; Kumakabit page

Older Entries