Announcer, Commentator, Icon, Legend

13 mga puna

Susunod! One liner na pinauso ni Boy Abunda.

Na pinauso ko sa school noong nasa high school pa ako. Akala ko baduy yun, pero alam pala ito ng maraming estudyante. Ayaw lang nilang aminin na nanood sila ng The Buzz. Kumbaga, mga discreet viewers sila. Mga kloseta. In denial.

Fourth year ako noon. Kasama ako sa student government ng school namin. (hindi mataas ang posisyon ko). Isa sa mga ginagawa namin ay ang pag-o-organize ng intramurals o sports fest.

Malaking bagay ang intramurals sa school namin. Malaking katuwaan, kadramahan yun sa amin. No classes. Unhealthy competition. Walang kamatayang recycled cheers. Undying spirit ng mga mag-aaral. Losers. Winners. Kung gusto niyo masaksihan lahat ng emotions, pumadpad lang kayo sa intrams.

This time, hindi lang ako ordinaryong mag-aaral na mag-chi-cheer para sa batch namin. Isa ako sa mga organizers ng “big event” na ito sa school namin. Kelangan kong mag-organize ng mga schedule ng games. Kelangan kong tumulong sa pag-aayos ng school para dito. Kelangan kong mamili ng kung anu-anong gamit para sa intrams. Kelangan kong kainin ang pagkain na bigay sa amin ng sponsor. Itago natin ang sponsor na tinutukoy ko sa pangalang Greenwich.

Pero meron pa akong isang gagawin na kakaunti lang ang makakagawa nito: ang maging announcer, commentator sa mga games.

Pag sinabing commentator kasi, sa pananaw ko, sila yung mga taong salita ng salita habang naglalaro ang mga players. Para sa akin, di sila pinapansin. Kasi naman, ang lalim ng mga terms na pinagsasabi nila. Halos hindi na maintindihan.

For example:

(Setting: Isang UAAP game)

Announcer: Number 17 clutched in an 18-footer.

Sa madaling sabi: Naka- three points si number 17.

Pero, sa school namin, hindi ganito ang deal. Napakaliit ng school namin kaya ang announcer/commmentator na nangingibabaw ang boses ay talagang pinapansin. Bawat salita, tinututukan.

Wala akong second thoughts na tanggapin ang pagiging commentator. Sa totoo lang, ine-expect ko na ‘to since noong previous intramurals pa. During that time, napakagaling talaga ng commentator. As in (Salt). Hands down ako sa kanya. Nakakatuwa talaga siya. Iniisip ko noon, “Sino kaya ang magiging commentator next year? Sa palagay ko, ako ang best possible choice.” Without any reason at all, sinabi ko yun. Well, nangyari na nga ang dapat nangyari.

Intrams is a five-day event. May sipon ako noong first day. As in, while doing the job, todo ang singa ko. Pinaparinig ko pa nga yun sa microphone. Nakakairita talaga pag may sipon. Every moment, kelangan mong bantayan mo ang ilong mo kung may tumagas na likido. Nakakainis kasi intense na talaga ang moments ng volleyball noon pero tuloy pa rin ang pagsinga ko. Nakita pa nga ng iba na tumutulo na ang uhog sa ilong ko.

Napaos ako kaagad on the first game I commented. Pano ba naman kasi, sigaw kasi ako ng sigaw kahit exhibition match pa lang yun. Wala pa nga ang tunay na competition, wala na akong boses.

On that first game, “nagpauso” kuno ako ng one liner:

“Rice in a box, sulit na sulit, kuwarenta pesos lang!”

By the way, nag-sponsor din kasi ang Rice in A Box sa event na yun. Bigla ko na lang nasabi yun. Gutom lang yata ang nag-force sa akin na sabihin yun. Throughout the Intramurals, sinasabi ko yung one-liner pero never akong binigyan ng libreng Rice In A Box kahit kaawa-awa na ang boses ko yun.

Natawa ang mga teachers noon kapag sinisigaw ko yun. Mas natuwa ako nang ginagaya na ito ng kapwa estudyante ko. At everytime na nakakasalubong ko yung mga nakakabatang schoolmates ko, they are like… parang… saying it to me. Honestly, akala ko iniinsulto ako. Pero, I realize, they admire me. Kapal talaga ng mukha ko.

Being announcer/commentator was totally fun. Natutuwa ako kapag nakikita kong tumatawa sila sa mga banat ko. Ang dami kong naging fans. Maraming lumalapit sa akin na mga freshmen at kinakausap, “pinupuri” nila ako. Alam nga nila pangalan ko though never ko itong minention kahit isang beses sa madla. Last Christmas nga, may natanggap akong regalo from those younger schoolmates. Nakakatuwa kahit di kami close, may natatanggap ako from them unexpectedly. Siyempre hindi ko puwedeng tanggihan yun. Sayang naman, di ba?

Last week, ginanap ang intrams sa school. This time, wala na ako. Tsinugi ako matapos makumpleto ang curriculum sa loob ng apat na taon. Pumunta ako doon para manood. Natuwa ako na inalok nila ako na maging announcer. Nakakatuwa na inalok ako. It means na gusto nila ako at ang style kong ngarag.

Pero, mariin ko itong tinanggihan. Intrams nila ‘to. Tapos na ang panahon ko. I’ve made my mark. (English yun)

Advertisements

News Flash: UAAP 2007 Cheerdance Competition results (updated)

21 mga puna

Mainit na mainit pa! Sobrang init. Complete UAAP 2007 Cheerdance Competition results. From first place to eighth place.

8th place: National University- 84.23%

7th place: De La Salle University- 89.54%

6th place: University of the East- 90.55%

5th place: Adamson University- 90.62%

4th place: Ateneo de Manila University- 90.63%  

3rd place: Far Eastern University- 91.66%

2nd place: University of Santo Tomas- 92.16%

CHAMPION: University of the Philippines 92.66%

Tama ang prediction ko sa first and second. Natapos na rin ang reign ng Salinggawi sa Cheerdance after five years.

Pinoy Nursery Rhymes

25 mga puna

Tanong sa akin ng kaklase ko, “Bakit wala kayang Tagalog na Nursery Rhymes? Inisnab ko lang siya na parang wala akong narinig.

Pero talagang dinibdib ko ang tanong niya. Sa palagay ko mali siya. Sobrang dami ng Pinoy Nursery Rhymes na tanging mga bata lang ang nakakakabisado ng mga ito.

Ito ang ilan:

-Puwet-

Ma’am I’m finish
Ang puwet kong makinis
Kinagat ng ipis,
Lalong kuminis

-Catsup-

So what?
Tae mo makunat
Lagyan mo ng catsup
Para lalong sumarap

-Numbers-

One, two, three
Asawa ni Marie
Araw gabi
Walang panty

-Bird- (To the tune of Leron Leron Sinta)

One day
Isang araw
I saw
Nakakita
One bird
Isang ibon
Flying
Lumilipad
I shoot
Tinira ko
I cook
Niluto ko
I eat
Kinain ko

Heto po kadadagdag ko lang:

-Utot-

Ako’y lumabas
Kabilugan ng buwan
Ako’y napautot
Nilagay sa supot
Nilagay sa sulok
Pamatay lamok

Second Installment na!

26 mga puna

Pagkatapos ng mahaba-habang prusisyon, sa sementeryo din ang tuloy.

Pagkatapos ng paulit-ulit na pangako ko, ito na ang second installment ng Friendster pick pics.

Sa mga di pa nakakakita ng first edition nito, click to win.

Mas mapangahas sapagkat ang ilan sa mga narito ay di ko kilala. As in hindi. Walang connection. Kaya nga kinakabahan ako. Pero, confident pa rin ako na di nila ito mababasa kasi naman, friendster lang ang alam nilang website.

___

Parang awa niyo na. Itigil niyo na ang pag-u-upload ng anime pics, superhero pics at mga cartoon pics gaya nito. Kadiri kaya.

anime.jpg superhero.jpg

Siyempre, isa sa mga favorite i-upload ng mga Pinoy na primary pics ay mga Koreans sa Koranovela. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa nila ‘to.

 

korea.jpg korean.jpg

At siyempre, mga pictures ng mga musicians, local (lalo na yung mga guwapong member ng banda) and foreign, ang pinagti-tripang gawing primary pic.

 

duff.jpg hudgens.jpg

avril.jpgchamp.jpg

Sinetch ang naiba sa apat?

 

Heto naman ang pics na super Adobe na hindi mo na mapapansin ang hitsura nila.

 

untitled.jpg

Hindi napansin ang mukha, yung medal na lang.

 

meow.jpg

Nasaan ka? Makulay ang buhay.

Eto naman ang feeling Korean pics.

peace.jpgpeace2.jpg

__________________

Heto naman ang daliri pics.

 

Threesome single finger:
triangle.jpg

 

Sevensome double finger:
star.jpg

 

Kung may daliri pics, may paa/sapatos pics naman.
chucks.jpg

Bangs not dead!
bangs.jpg

 

Nasaan ang mata mo?
jemar.jpg

 

The Infamous Electric Fan Effect
hangin.jpg

 

May part three ito na tatalo sa trilogy ng Lord of the Rings. Hintayin…………..

Bagong Liwanag

4 mga puna

After nga ng pag-alis ni Rico Blanco sa Rivermaya, nagkaroon sila ng audition para sa bagong member na ginanap sa UP Film Institute last August 24 and 25. Ayon sa mga haka-haka, gagawin itong reality show.

Last August 18 nga, nag-launch sila ng 5-song EP entitled Bagong Liwanag. At ang first single nito ay “Sayang” na sinulat at inawit ni Japs Sergio. Medyo nahihiwagaan ako sa kanta. Masyado siyang madrama.

rivermaya.jpg

 

Sayang
-Rivermaya-

INTRO: E-F#m-A-E

VERSE: E-F#m-G-A
I.
ang dami kong nadidinig na katanungan
bakit daw? anong nangyari?
ang sagot ko, ewan ko hindi ko talaga alam
at ang sabi, eh paano naman kami?
ako ay napatigil at nag-isip
ano ang sasabihin ko sa iyo?
alam kong kailangan na malaman mo
kailangan at may karapatan ka na malaman

CHORUS: E-A-D-A / E-A-G-A

ito ba ay paalam na? (4x)
II.
nagbuntong hininga parang ‘di na makakilos
‘di naman katapusan ng mundo
pero ‘di naman masisisi ang maramdaman ng puso ko
ganito lang talaga ako
abangan ang susunod na kabanata
ang pagsubok na ito sa tulong mo ay kakayanin ko

CHORUS:

ito ba ay paalam na kaibigan?
ito ba ay paalam na kapatid?
ito ba ay paalam na kapamilya?
ito ba ay paalam na kapuso?
ito ba ay paalam na sinta?

BRIDGE: (verse chords)

bakit naman ako aalis?
pinamana ko na sa iyo ang aking puso
hindi naman ako aalis
‘di ko ata kakayanin iwan ka

(E-A-G-A)

huwag ka ng umiyak
sayang ang luha

_________________________________

Sinong nagsabing swerte ang 8?

43 mga puna

Medyo nakakaraos na ako sa mga gawaing paaralan. Medyo pa-bondying-bondying pa, nakatutok sa harap ng computer, at nakikinig sa Me, Myself and I ni Beyonce.

Naalala ko ‘tong kanta kanina. Sumali kasi ako sa isang contest sa aming paaralan para sa mga freshmen. Dahil sa tawag ng kalikasan, sumali ako. Ito ang unang sinalihan kong contest sa kolehiyo. Isang Math contest ang sinalihan ko.

Nang mag-pa-pa-register na ako kanina, nagtataka ako kung bakit sobrang dami ng sumali. Tinanong ko ang isang ate nagka-blue na obviously ay isa sa mga organizers ng event. Ayon sa kanya, pwede raw ang tatluhan at dalawahan. Eh ano bang malay ko na may ganung epek pa ang contest. Basta ako solo. Kung manalo man, tiba-tiba. Walang kahati.

Tinanong ako sa registration kung ano raw ang gusto kong group name. Nag-reply ako bigla: “Ate, kamusta ka? Pa’no ako magkakaroon ng group name, eh solo nga po ako.” Kaya naman, si ate na lang ang nag-isip ng “group name” ko: “Team Ko”. Sobrang kadri, di ba? Halatang pinag-isipan.

Siyempre, nagkaroon ng eliminations. Unang tanong pa lang, nilagpasan ko na. Nilaktawan ko ang sumunod. Tapos, nasa kabila page na ako. Tapos, last page na pala, at wala pa rin akong nasasagutan. Dinugo talaga ako sa sobrang hirap. Kaya naman naisipan kong sight seeing. Nakita ko ang aking schoolmate na uber galing talaga. Hands down ako sa kanya. Nakita ko rin ang isa kong kalaban noong high school. Hindi ko akalain na magaling pala siya sa Math. May nakita akong asungot na mukhang bangag. Naligaw ata. Meron naman na parang nag-tatalumpati dahil sobrang lakas ng pagbasa niya ng problem. Kahit sino pa ang nakita ko, wala akong makitang sagot.

Basta, makalipas ang dalawang oras, ipinasa na ang papel. May mga nasagutan naman ako pero “dugo at pawis” talaga ang effort ko sa pag-so-solve nun. Bumalik daw kami after one hour and half para malaman kung sino ang top 16 na makakapasok sa quaterfinals.

Sumabay ako sa mga schoolmates ko nung high school para kumain. Pinag-uusapan nila ang mga sagot sa mga questions. Samantalang ako, unga lang ng unga at napa-“ganun ba” na lang sa mga pinagsasabi nila. Samakatuwid, hindi na ako umaasa pa na makapasok sa top 16 na yan.

Pero dahil sa kakapalan ng aking mukha, bumalik ako para makita ang resulta. Actually, napaaga ako ng dating dahil sobrang excited.

Pumunta lang ako sa CR para maglabas ng “sama ng loob”, at noong pagbalik ko nakadikit na ang resulta.

Sa di inaasahang pangyayari, nasabit ang “Team Ko”, pangalan ng team ko, sa top 16. Samantalang ang mga schoolmates ko ay di nakapasok.

Quarterfinals. Hinati ang 16 teams sa apat na groups. Tapos kung sino yung top 2 sa group, pasok sa semis.

Ayun. Nasa Quarterfinal 2 ako. Group of Death kuno ito. Sa apat na grupo, ako lang ang solo. Lahat sila trio. So ayun, yung mga pipol naghihiyawan.

Unang dalawang tanong, dinugo ako. Wala pa naman akong kasama. Kausap ko, sarili ko.Tapos, yung third question, nasagutan ko. Palakpakan ang tao. Kasi, nasagutan ko agad.

4 points yun. Leading ang group 1 by far away 18 points. Tapos, the other groups were scoreless. So ibig sabihin second ako at pasok sa semis. Until…. (The question is worth ten points)

“What is the 10th digit of the product of 13452094452423 and 125?”

Di ko sure yung number nakalimutan ko na, basta. So, ako todo-solve. Yung isang grupo na scoreless pa,

Ui, hulaan na lang natin. Kahit anong number from 0 to 9. Baka tumama. May probability na 1/10 na tama ang wild guess natin.”

Tapos, pinundot nila ang buzzer, nagsalita ang isa sa kanila,

“8”

Sabi nung host,

” Your answer is correct”

Hiyawan sila. At ako naman ay nadagundong. Sa lahat pa ng number na pwede nilang banggitin, eh yung tama pa ang nasabi nila. Linsiyak naman.

Pagkatapos nun may 2 questions pa. Di ko siya kinaya. Ayun, nag-third ako sa group. Di ako nag-qualify sa semis.

Okay lang naman sa akin yun. Di ko naman talaga in-expect na makakatungtong ako sa quarterfinals. Natawa pa nga ako after all.

May premyo naman ako: gift certificate sa TGI Fridays. PhP 500 off for PhP1000 worth of food purchase. Pampalubag loob. Aanhin ko naman yun kung wala naman akong pera para lumamon sa TGI Fridays?

 

P.S.    1. Mithi, ginagawa ko pa yung ti-nag mo sa akin. Ang hirap mag-isip talaga.

          2. Yung mga links nilipat ko na sa isang page; Kumakabit page

Second Installment (Cute Boy Alert. Alert, mga tita!)

20 mga puna

Tapos na ang mga dapat tapusin. Kaya naman naghahanap ako ng mga bagay na pagkakaabalahan.

Naisipan kong gawin ang second installment ng Friendster pic picks. Mas maraming pics, mas nakakatuwa(?). Kung hindi niyo nabasa/nakita ang first installment, click to win:

https://bulaboop.wordpress.com/2007/07/28/friendster-pics-picks/

Nagbibisita na ako ng mga accounts sa Friendster. And so far, medyo nakakatuwa ang mga nakikita ko. Nakakaadik nga. Who knows, mapasama kayo sa Hall of Shame ko.

Paminsan, naiisip ko i-update ko yung account ko. Kaso, tinatamad ako. As in. salt. Tulungan niyo naman ako.

Basta promise ko, mas bigatin ang second installment. Malaman, maktas, matinik, mapangahas.

Midterms week pala. Anyway, keber! kering keri ko yan. (ang hangin ko!)

Older Entries